Nung nagmahal ako marami akong bagay na hindi makakalimutan. Naranasan ko kung paano kiligin ng parang tanga, pati yung hindi makatulog sa kakaisip sa kanya, yung lambingan at asaran, yung ayaw mo siya mwala sa tabi mo, yung mapangiti ng walang dahilan at bumuo ng pangarap kasama niya. Pero sabi nga nila pag nagmahal ka hindi naman puro sarap o saya yan. Naranasan ko kung paano umasa, mag antay sa wala, ang mag selos, maging tanga, maging mababaw, paano masaktan ng sobra, umiyak ng walang humpay. Naintindihan ko din ang mga salitang letting go at moving on. At higit sa lahat nalaman ko kung kailan mo dapat ipaglaban o isuko ang pag-ibig.