[12] One More Chance

4.5K 69 0
                                    

Chiny's POV

Badtrip! Kapatid pa ng boyfriend ni Rain itong si Ramirez! Ramirez ang tawag ko kasi hindi ko alam ang pangalan niya. Alam kong medyo magulo kung bakit kasama ko sya sa bahay namin ngayon so ito ang kwento

Since napalabas siya, tahimik ang Math 36 class ko. At ang pagkabalik na pagkabalik niya, alam kong gagantihan nya ako.

"Gaganti ako sayo Ramos! Humanda ka!" Nagsimula na naman syang tingnan ako nang masama. Magaling talaga sya sa pagiging epal.

"Whatever." Sobrang ready ako sa gagawin niya sakin. Hindi ko naman akalain na papahirapahan niya ako! Nasa isang sulok siya ng room kanina. Binabasa yung lesson kanina kasi diba napalabas siya.

"Fück! Hindi ko maintindihan. Kailangan kong maipasa to! Kailangan maging proud sakin si Mommy! Panira kasi ng araw eh." Nakokonsensya ba ko? Gumanti lang naman ako ah. Ano ba, please! Wag mo syang pakinggan!

"Punyeta naman! Ang hirap kapag napalabas ka ng wala ka naman kasalanan." Sabi pa nya. Alam ko naman na ako ang pinapatamaan nya at natatamaan naman ako!

"Hahahaha bro naman, bakit naman kasi sinabi mong ang boring niya magturo." Sabi nung isa na lalong nakapag pagalit kay Ramirez.

"Sa tingin mo talaga sinabi ko yun? Nagpapatawa ka ba?" Inis na inis na sya. At ako dito, nakokonsensya. Dumating na yung prof namin para sa Communication Arts. Aaarg! Bakit ko ba iniisip tong si Ramirez! Nakakainis!

Hindi ako makapag concentrate kasi nakokonsensya talaga ako. Alam ko na! Mamayang uwian, kakausapin ko sya. Inintay kong matapos itong com arts para makausap ko na sya. Nakinig ako dun sa prof, ayoko naman bumagsak no. After ilang hours, natapos na din syang magturo. Grabe nakakaantok. Paalis na si Ramirez kaya naman hinabol ko sya, nakokonsensya talaga ako.

"Ramirez!" Lumingon naman siya. Nakatayo lang dun, parang iniintay yun susunod kong sasabihin. Nilapitan ko sya. Ayoko namang isigaw yun sasabihin ko.

"A-ano kasi.." Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Oo na, kasalanan ko na yung kanina. Kahit parang hindi naman talaga. Kahit gumanti lang naman talaga ako.

"Ano Ramos?! Sabihin mo na nasasayang yung oras ko sayo! Aaralin ko pa lesson kanina noong PINALABAS ako." Kailangan idiin yung word na pinalabas? Tss kung di lang ako nakokonsensya eh.

"Ano na Ramos?!" Inis na tanong nya sa akin. Nakakainis!

"Teka lang naman diba?! Gusto ko lang mag s-sorry kasi napalabas ka gawa ko, nakokonsensya ako kasi baka bumagsak ka gawa ko! Yun lang! So para hindi ako makonsensya tuturuan kita!" Yung nilesson lang naman kanina. Hindi ito magtatagal!

"Grabe ka rin eh no? Ikaw na nga may gawa ikaw pa galit. Tss!"

"So? Ang dami mo masyadong sinasabi, papayag ka ba or hindi? Sa bahay na lang namin." Yun lang ang tanging paraan na naiisip ko dahil yun lang naman talaga ang naisip ko. Wala akong maisip na iba, yun lang.

"Gusto mo akong masolo ha!" Sarap nya hampasin ng vase sa ulo! Nakakapikon!

"ASA KA!" Ang kapal ng mukha nitong si Ramirez? Masolo? Ha-ha-ha nagpapatawa ba sya?

"Wala nang bawian yan ha! Tuturuan mo ko sa bahay niyo for two weeks!" What the? Isang lessong lang yun ah? Bakit two weeks?!

"Ano? Bakit two weeks?! Isang araw ka lang namang napalabas ha!"

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon