Pagdating ng Panahon (Someday)
"Carlie Sorry pero kaibigan lang talaga turing ko sayo"
Halata sa mga mata niya pag kaawa sa akin.
Pilit kong ngumingiti sa harap niya, para makita niya na ok lang ako.
"Carlie Sorry" malungkot niyang sabi sa akin at niyakap ako para pakalmahin.Pagkayakap niya sa akin bigla na lang bumagsak ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan. Kahit anong handa pala ang gawin ko, ito ako ngayon lumuluha habang yakap yakap niya. Hinanda ko naman ang sarili ko na masaktan, siguro nangingibabaw pa rin sa akin na pagdating ng araw magkakachance na mamahalin niya ako.
Sobra ang paghahanda ko para sabihin sa kanya ang totoong nararamdaman ko. Luhaan akong uuwi. Bigo at sawi na ako sa pag ibig.
"Ok lang Nate, naintindihan naman kita! Uwi na ako ha" kumalas na ako sa pagkayakap sa kanya at binigyan siya ng fake smile bago ako umalis.
"Bye!" Ang huling sabi ko sa kanya at tumalikod na para umpisahan ang mahabang byahe ko pauwi.
"Carlie! Hatid na kita!!!" Sumisigaw siya pero binalewala ko lang iyon.
Tama sila na hindi lahat ng gusto mo, nakukuha mo. Pinaghirapan ko naman pero wala din pala kung yung gusto mo hindi mo din maabot, kung ayaw niyang magpaabot. Hindi man lang napa sa akin. Sana ang pag ibig parang bagay lang na madaling pag ipunan at alam mong mamapasayo pagdating ng panahon.
Diretso ako sa kwarto at nagkulong buong araw. Ang cellphone ko walang tigil sa kakaring, nangungulit ang mga kaibigan ko na sina heidy, ina at laica kung anong nangyari. Wala akong gana magkwento kaya pinatay ko na lang ang telepono ko.
End of chapter one