♚Chapter 6♚

33 1 0
                                    

|| 6 ||

---

"Fraaannccceee!!!" Sigaw ni Justine sa baba...

Shit! Ano ba to?! Ano pa bang kulang? Wala na!

Kumaripas ako ng takbo hanggang sa garahe...

Kung makita mo lang yung mukha nung tatlo inis na inis!!

"Grabe ang tagal mo! Pumasok ka na nga! Malelate kami ng dahil sayo!" Chad. Nahiya naman ako...

"Sino ba kasing may sabi na ihatid nyo pa ako?" Ako. Pumasok na ako sa kotse.

"Pinag uutos yun ni Padir" Ivan.

"Ok" Ako. Tapos sa buong byahe tahimik lang kaming apat.

*SCHOOL*

"Uhhm... K-kase... Justine sa likod nalang ako dadaan" Ako. Nahihiya ako lumabas dito sa front gate. Yung titig nung mga babae nakakapatay na kase eh!

"Sure ka?" Ayy hinde baka joke lang.

"Oo nga! Dali na!" Like a boss lang ampeg ko diba?!. Nilipat ni Justine yung kotse sa back Garage at dun ako bumaba...

"Ge alis na ako" Kinuha ko na yung mga gamit ko at pumasok na sa campus...

"France! Sandali!!" Chad.

"Ano?" Ako. Daliii!! Late na ako!

"Ingat *Insert killer smile here*" Chad.

"Thanks. Ikaw din *Insert pakipot smile here*" Tae! Ang landi ko na!!! Waaa!! Ingat daw uh?!

"Dumadamoves ka na Chander hA?!" Pangaasar ni Ivan

"Gago tigilan mo ako!" Chad.

Natawa nalang ako sa kanilang tatlo.

Haaaallllllaaaaa!!! Takbo France!! Late ka naAAAAAAAaaa!!!!

Binuksan ko na yung pinto. Bahala na si Batman.

"Uy! France?! Anyare? Absent si Ms. Sanchez kaya we have no Two classes" Bati ni... Ewan? Di ko naman sila kilala eh!

"Ganon ba? Ahaha sige C.R. lang ako" Ako. Nakakahiya. Ano ba tong nagyayari sa akin?

Ingat...

Ingat...

Ingat...

Arrgghhh!! Nag e-echo yung boses ni Chad sa tenga kooo!!!

Nasa loob ako ng C.R. at nag mumuni muni lang..

Habang nakatingin ako sa may salamin ang laki laki ng ngite ko grabe...

Ayy!! Oo nga pala!! May dala akong jogging pants isusuot ko lang ayaw ko kasing naka palda! Naiilang ako ng sobra sobra!!

Pumasok ako sa isa sa mga cubicle... Hinubad ko yung skirt ko then nag jogging pants ako then sinuot ko ulet yung skirt ko... Wapakels diba?

Lumabas akong komportable at naka smile :).

Naglalakad ako sa hallway ng biglang...

"Hoy! Bakit ka naka jogging pants?! Bawal yan dito!" Naku pooo!! Malay ko ba? Eh new pa lang ako dito eh!!

Tumakbo ako at hinabol ako nung teacher...

"Waaaaa!!! Nuko po!!" Pasikot sikot ako sa school hanggang sa nailigaw ko na sya.

Nakarating ako sa gym... Walang tao. Pero ang laki ng gym.

Kumuha ako ng bola at nag try mag shoot.

"Yay! Ang galing kong mag basketball!" Ako. Habang tumatalon. Na shoot ko kase yung bola.

At sa sobrang saya ko inulit ko yung pag sho-shoot ng bola at na shoot ko naman!

"Ako na ang bagong Micheal Jordan! Female Version nga lang!" Ako. Sabay tawa. Oo baliw na kung baliw pero wapakels!!

"Hoy! Anong Year ka na?!" Nakuuu!! Ayan na naman yung teacher!! Tumakbo nNaman ako... Waaaa!!! Tulong!!!

Sa pagtakbo ko naka bangga ako ng lalake... Sa sobrang lakas. Nawalan ako ng malay.

---

CHAD'S POV

Sh*t! Bakit ko ba nasabi yun kay France? Ewan ko rin eh! Basta gusto ko lang lagi syang magiingat.

"Tulala ka!" Gulat sa akin ni Justine.

"Gago" Sagot ko.

"Baka iniisip si..." -Ivan

"Subukan mo ituloy Makakatikim ka sa akin" Tapos binigyan ko sya ng Subukan-mo-lang-at-patay-ka-sa-akin-look.

"Joke! Wala ka palang iniisip! Hahaha!" -Ivan.

"Good boy!" Tapos ginulo ko yung Buhok ni Ivan.

"shet pare! Hindi ako aso!" Natawa nalang ako. Gago to!

May lumapit sa amin na isang babae.

"Pre Una na kami" Ano to? Iwanan?

"Sama na ako!" Sigaw ko pero pinigilan ako nila Justine.

"Pre. Wag mo namang iwanan si Louise. Hindi ganyan ang lahi natin" Ang hangin.

"Psh! Anak ng Gago naman oh! Walang iwanan! Dito muna kayo!" Bulong ko sa kanila.

Tinapik ako ni Ivan sa balikat ko.

"Ikaw ang gumawa nyan! Kaya tapusin mo! Dali na! Naghihintay na oh!" Tinulak ako ni Ivan Kay Louise.

*Dug dug dug dug* Tae. Shetakels lang eh no? Gaguhan.

"Umm...Eh...Musta na Chad?" Panimula nya. Grabe tumayo yung mga balahibo ko

"Ok lang. Ge alis na ako" Aalis na sana ako kaso bigla syang nagsalita.





















"Buntis ako"

Ay Pucha!

---

Lagggooottt!!! Boom! Lagot si Chad! HAHAHAHA VOMMENT NAMAN DYAN!

Babysitting The 3 IdiotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon