Dear Ate Rayne

631 38 20
                                    

Dear Ate Rayne,

            Alam ko pong paulit-ulit na ako sa Dear Ate Rayne na yan. Kukunin ko po muna ang ilang minuto ng buhay mo Pilosopotasya kung sakaling basahin mo to.

            Hello po! Sana po mabasa niyo ito. Alam ko pong minsan masakit umasa (ang emo ko) pero aasa pa rin po ako na mababasa niyo ito sa takdang panahon at let's trust the possibilities kahit 0.00001% na lang. Sa dinami-dami po ba ng admirers niyo at sa dinami-dami ng gumagawa ng kwento or one shot tungkol sa inyo baka hindi niyo na to makita pa at mabasa pero malay mo baka swertihin ako. OTL. Hahahaha.

            Ang ganda po nang 23:11 at 11/23. Ganito po kasi yun, naghahanap po ako ng kwentong mababasa at nakita ko po ang storyang *nakalimutan ko po ang pangalan* parang chat chat siya tapos ayun sabi ko parang ang unique nito tapos pagkabasa ko ng prologue may authors note na nagsasabing dedicated po to kay Ate Rayne/Pilosopotasya at sa kuwento niyang 23:11 kasi siya po yung inspirasyon ko sa pagsulat ng storyang to tapos ayun binasa ko siya at nawala yung thrill sa kuwento kaya tinigilan ko muna ang pagbabasa at naghanap ng ibang libro at timing naman na naalala ko yung sinasabi ng author ng librong binasa ko yun nga po yung may Author's note na sabi niyang inspiration niya po kayo at ang 23:11 kaya ayun naisipan kong isearch kayo at hinanap ko ang 23:11 at binasa.

           Natatawa ako at the same time natutuwa kay Miko at sa kakulitan niya. Ang cute lang ng loveteam nila. #TeamLECHE forever! Si Makulit at si Medyo Badgirl. Kahit po epistolary novel siya hindi po naging boring yung mga chat nila.

            Atsaka ang lalim pala ng meaning ng wiggle wiggle? Hay!!! Hindi talaga ako makaget-over dito. OTL.

             Maraming luha po ang tumulo mula sa aking mga magandang mata, ang corny ko. Ngiting may kasamang tawa na parang baliw na ako minsan.

              Feel na feel ko po talaga na parang naging saksi po ako sa nabuong pagmamahalan nilang dalawa. Sorry po kasi hindi po ako nakapagcomment sa 23:11. Offline po kasi akong nagbabasa at nakamobile lang po ako.

             Natapos ko po ang 23:11 at sinimulan ko namang basahin ang 11/23 at masasabi ko pong nagkasala ako kay Jhing. Huhuhu. Pinagpapantasyahan ko po si Miko. May nabubuong imahe sa ulo ko base sa mga binabasa ko tungkol sakanya lalo na yung nakamask siya na may number three at yung pagkasingkit ng mata niya. Hinanap ko po yung mask ngunit hindi ko po siya makita dito sa Negros pero pupunta po akong Manila, hahanapin ko yang mask na yan pati si Miko at si Jhing at susulitin ko na po, hahuntingin na rin po kita. Mwahahaha! Ang lakas ko mangarap pero hindi pa nga ako sure kung makakapunta ako sa Manila. Pero pag gusto madaming paraan. :)
Hahanap po ako ng paraan. Makikita ko pa po si Miko at sasayawan niya ko at ang tugtog Wiggle Wiggle tapos idradawing niya pa ako ng nakamask. Hahaha walang hiya! Tapos magseselfie pa tayo kasama si Jhing para tatlo tayo at para tres marias!

                 Hahaha sana matupad lahat ng to. Magwiwish na lang ako ng 11:11. Tsaraaan wish granted! Joke! 

Last na po to!

Leche?

^_^        

-------------------------------------------

   

              About po sa AFGITMOLFM. Huhuhuhu. Pagpasensyahan niyo na po ako dito. Si Art po kasi eh! Naiinis po ako sakanya!

              Simula talaga una Team Nate ako. Never po akong kumampi kay Art or kay Cloud, sa mukhang anime na yun.

              Nagawa ko nga pong magcomment dahil sa inis ko kay Cloud! Nagload po ako at ibinuhos ang sama ng loob ko kay Cloud kasi feeling ko po pag di ko yun ilalabas baka bigla na lang akong sumabog at sumigaw, mapagalitan pa ako ni mama.
         
             Para nga akong shunga eh. Tinatanong ko mga kaklase ko ng Nate or Art tapos pag sumagot ng Nate good vibes kami at kapag sumagot ng Art hindi ko na pinapansin. Hahaha. Marami nga nagtaka kung bakit ako nagkaganun. Di pa ako nakuntento at nagpasurvey pa ako sa kaibigan ko sa isang page, isa kasi siya sa mga admin dun. Nakalagay Nate or Art tapos may sumagot, ganito yung mga sagot. Art! Art my loves! Puro ganyan walang bumoto kay Nate kaya ayun yung mga sumagot nagalit ako sakanila. Sabi pa nga ng kaibigan ko baliw na daw ako. Edi sabihin ko daw sa author na baguhin yung istorya. Sagot ko naman. Stop acting like you know my pain! Stop acting like you own it! Hindi ikaw ako! And you will never be me! Syempre joke lang.

               Pero alam mo Ate may natutunan ako sayo. Pinarealize mo sakin ate na hindi lahat ng gusto ko makukuha ko. Na hindi lahat ng bagay makukuha ko at maraming salamat po dahil dun.

              Hindi man siguro ngayon pero balang araw matututunan ko ring tanggapin na namatay si Nate at si Art talaga yun. Matatangap ko rin to! Makakabangon ako!

-------------------------------------------

Para sa pinakapaborito kong manunulat sa balat ng lupa,
          
               Thank you po sa lahat lahat. Sa ngiti, sa mga aral na tinuro mo, sa pagpapasaya mo sakin at sa ibang tao. Hindi ko po makakalimutan lahat ng yun.

               Opo fictional characters sila ni Miko at Ate Jhing pero sa simpleng mga actions lang na ginagawa nila, sa mga kalokohan ni Miko, sa kasungitan ni Ate Jhing napapasaya na nila ako.

               Isa ka po sa inspirasyon ko sa buhay. Opo inspirasyon po kita. Inspirasyon sa pagsusulat. Ang galing niyo po!

               Ang ganda niyo po. Hindi lang po mukha pati na rin ugali. Ang swerte po ng mga taong malapit sayo. Ang ganda po ng personalidad niyo. Ang tapang niyo po. Ang tapat niyo po sa sarili niyo. Balang araw sana magpakatoo na rin ako sa sarili ko. Sana po makita na kita sa personal. Sana po maging close tayo. Hahaha ang kapal ko talaga. Ate Rayne/Pilosopotasya/Ang isa sa mga IDOL ko. Maraming salamat po!
                     
^_^

Dear Ate RayneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon