Bi:1

11 1 0
                                    

Nagmahal
.

.

.

.

Nasaktan
.

.

.

.

Naging  Bisexual

Ako si Willfred Mallari, ang tawag sakin nang marami ay Redd. 17 years old. 2nd year collage nag aaral sa St. Edward University.

Mayaman, gwapo, matalino, maangas, cold type, at kung minsan inaabangan nang lahat sa pag pasok ko palang sa school, pero ang hindi nila alam sa likod nang pagiging maangas, gwapo, coldtype isa akong BISEXUAL.

May kwento sa bawat pagbabago nang tao, dahil sa kwentong ito pinili ko/nya na kung anong magiging ako/sya.

Four years ago. May nakilala akong isang babae sa likod nang gym nang school nato, umiiyak. Hindi ko masyadong matanaw ang mukha nung babae, kaya naman maya maya din ay nilapitan ko sya.

Nakatungo na sya sa mga tuhod nya at patuloy parin sya sa pag iyak. Inilabas ko yung panyo ko sa bulsa, lumuhod ako at inihaya sa harap nya yung panyong hawak ko.

"Sniff* anong ginagawa mo? Sniff*"
Tanong nya sakin habang umiiyak. Dinig na dinig ko ang pag iyak nya.

"Pa-panyo! Bakit k-ka ba umiiyak? Anong problema!" Mmedyo utal kong sabi. Bakit ba ako nauutal? Kainis.

"Umalis ka na! Okay lang ako!" Sigaw nya sakin. Hindi ko sinunod yung sinabi nya, nanatili parin ako nakaluhod sa harap nya. Ewan ko ba gusto ko kase talagang makita ang mukha nya , gustuhin ko mang sapilitang iaangat yung ulo nya, parang magiging bastos naman ako kapag ginawa ko yun di ba?

Umupo ako sa gilid nya. At sumandal sa pader na nasa likuran namin.

"Sabi mo okay ka lang pero umiiyak ka? Hindi ganyan ang taong okay!" Bumuntong hininga ako saglit tsaka nagpatuloy ulit sa pagsasalita. "Ano ba kase talaga ang problema mo miss? Hindi naman kita sasaktan eh!"

Tiningnan ko sya habang nakayuko sya sa mga tuhod nya. Hinihintay ko kung sasabihin ba nya yung problema kung bakit naiyak sya. Saglit tumigil ang pag iyak nya, tanging pagsinghot nalang ang ginagawa. Napatingin ako sa panyong hawak ko at inihaya ulit yon sa harap nya sa pangalawÀang pagkakataon.

"Oh! Wag ka nang mahiya sayo na to! Tutulo na yung sipon mo eh!"  Nakita kong iniangat nya yung ulo nya nang kaonti lang halos sumilip lang namg bahagya. Mata lang halos ang kita at tiningnan yung panyong hawak hawak ko.

Mukhang nagdadalawang isip ata kung kukunin ba nya o hindi. Ilang segundo rin nyamg tiningnan lang ang panyong nakahaya sa harap nya, maya maya lang kinuha nya narin yon at palihim na ginamit yon habang nakayuko.

Napangisi ako sa ginawa nya. Para syang baliw. Tsaka Medyo curious na talaga ako kung bakit ba sya umiiyak? At kung ano bang itaura nya.

"Thanks dito ah! Wag kang mag alala ibabalik ko sayo to kapag nalabhan ko na!"   Sambit nung babae.

Nagmahal, Nasaktan, Naging BisexualWhere stories live. Discover now