Salamat

349 0 0
                                    

Ako.. Ikaw.. Siya.. Tayo..
Masyadong magulo
Parang pag ibig na sa iisang tao lang nanggagaling.
Nasubukan mo na bang,
mag mahal? masaktan at umasa?
May gusto akong sabihin,
gusto ko ilabas lahat
lahat lahat para mawala na ang sakit at hirap.
Ngayon, pinipilit ang sarili,
na itigil ang pag mamahal para sayo.
Ngunit, kahit anong pilit sa sarili,
hindi magawang malimot ka.
Bawat oras, minuto at segundo
lagi kang 'asa isip at puso.
Oo alam ko, wala ng pag-asa,
masaya ka na sa iba.
Pero hanggang ngayon,
umaasa pa ding mamahalin mo ako
tulad ng pag mamahal mo sakanya.
Tanga na ang tawag sakin,
Pero nagmamahal lang naman ako diba?
Madami mang iba dyan,
puso ko'y asa sayo lang
kahit puso mo'y pagmamayari ng iba.
Memorya nati'y lagi kong naaalala.
Minsan may saya.. Minsan may lungkot
Pero mas angat ung mga panahong andyan ka lagi sa tabi ko
tuwing may problema.
Araw gabi, laging magkausap
Noong panahong ako pa ang dahilan ng iyong bawat matatamis na pag-ngiti.
Mahal mo na ba ako?
Sa isang iglap, lahat ng iyo'y naglaho
Kung kelan akala ko'y tayo na para sa isa't isa
dun ko nakuha ang sagot,
sa tanong na sana'y di ko na lang tinanong.
Ika'y nahulog sa iba
at ako'y naiwang mag-isa.
Tuwing makikita ko kayong dalawa,
napapasabi nalang ako ng,
"Tama na sobrang sakit na."
Minsa'y dumapo sa aking isip
Mas magiging madali nalang ba lahat ng ito
Kung mabubura nalang lahat ng ala ala nating magkasama?
Pero oo nga pala
Ikaw din ang nagbigay sa akin ng mga ngiting hindi ko matanggal sa aking bibig
Mga tawa na parang wala ng bukas
Kabog ng dibdib na nagbibigay ng gana sa akin.
Pero tapos na iyon.
Aking sarili ay papahirapan lang
Kung maghihintay pa ulit ako na matapos kayo
Ako'y uusad na,
oras na para ilipat ang pahina.
Salamat sa lahat aking kaibigan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 30, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Salamat (Spoken Words)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon