[13] Jazrille is Back!

4.6K 86 1
                                    

Jazrille's POV

Nakapag desisyon na ako. Ibabalik ko yung dating ako. Yung masayahin, makulit, friendly at yung may pakialam sa iba. Susubukan kong ibalik yung dati, pero hindi kasama sa priorities ko si Calvin. Itatatak ko sa isip ko na dapat ko syang makalimutan ng tuluyan. Hindi dapat ako magpatali sa nakaraan ko. Nandito ako ngayon sa school, it's July 25. Ilang araw na rin kaming magkasama ni Idiot, pero okay lang naman yun. Hindi pa niya alam yun about sa pagbabago ko.

So far, nagiging mabait pero harsh pa din siya. Nagle-lesson yung teacher ko sa Filipino. Ang hirap ng Filipino. Mas madali pa English dito eh. Eto ata ang ikakabagsak ko. After 1 hour nagpa dismissed na sya. Tama yan Ma'am, ang boring niyo eh. Okay, mean. Lumabas na ko sa room, pupunta ako ng cr. Nasa cubicle ako nang may marinig akong dalawang babaeng naguusap.

"Kilala mo ba si Ivan Ramirez?" Tanong ni girl. Hindi na bagong pinaguusapan ang lalaking ito sa CR.

"Duh girl! Sinong hindi nakakakilala dun? Ang hot kaya noon!" Sagot naman nung kausap ni girl. Sino nga ba ang hindi nakakakilala sa kanya? He's a basketball geek!

"Eh kilala mo yun girlfriend?" This got me. Ako na naman ang magiging laman ng usapan nila kapag nagkataon.

"Oo si Jaz Ramos. Oh anong meron?" Matagal nakasagot yung kausap nyang babae. Ano nga bang mayroon sa akin at ako na naman ang naging topic?

"May nagsabi sakin na iyong isang varsity player na si Jethro Delos Reyes ay kasama niya sa isang bahay. Live in ata sila." Gusto kong tumawa dahil sa mga kabaliwan na sinasabi ng mga babaeng ito. Gagawa lang ng kwento, mali pa.

"So you mean, niloloko ni Jaz si Ivan?" Ikaw ang nangloloko sa kaibigan mo, girl. Pinapaniwala mo sa kwentong hindi naman totoo.

"Hindi ko alam, pero ang landi niya kaya." Kailan pa ko naging malandi? Tss. Nagbago na ang isip ko. Wala na akong planong maging mabait pang muli. And for fück's sake, Jethro is my cousin!

"Sabihin kaya natin kay Ivan tapos pag nagbreak sila, ako yung magco-comfort tapos mai-inlove sya sakin!" Ang taas naman talaga mangarap ni ate girl. In love agad? Napairap nalang ako sa narinig ko.

"Sige girl tulungan kita, tara dali!" Isa pang tanga. Tutulungan nya ang kaibigan nyang tanga na gumawa pa ng isang katangahan. Nanahimik na ang CR at hudyat ito na umalis na yung dalawang chismosa. Tama nga sila, nabubuo ang chismis sa loob ng CR. Nakakasira ng araw!

Lumabas ako ng CR na parang walang nangyari. Magsusumbong nga pala yun dalawa. Bahala silang mag mukhang tanga. Recess na nga pala. Pumunta muna ako sa EB Canteen kasi mas madaming choices ng food dun. Nakita ko naman mag isa si Rae. Hindi talaga uso samin ang magkaroon ng kasama kapag mga ganitong pangyayari. Hahaha!

Bago ako lumapit, narealize ko na pinagtitinginan siya ng mga kalapit niyang table. Maganda din kasi si Rae, actually lahat kami maganda. Self proclaimed! Oo, inborn sa lahi namin ang pagiging maganda! Lumapit na ako sa kanya.

"Hey!" I smiled at her. Yeah, I am bringing my old self once again. It's not bad to try.

"Oh Rain, himala ngumiti ka na ngayon." Nakangiting sabi ni Rae. She's really nicer compared to me.

"Yes, I'm trying to be my old self again and move on." Sabi ko sa kanya habang umiinom sa juice nya.

"Good for you then. Bakit nagiisa ka? Alam na ba ito ni Ivan?" Tanong nya sa akin habang inuubos ang natitirang pagkain nya.

"No, I'm going to tell him later." Kumain naman ako. Sabi ni Rae sasamahan niya daw muna ako kahit tapos na syang kumain dahil vacant naman nya pagkatapos nito.

"Nasaan kuya mo Rae?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko na kasi madalas maabutan sa bahay si Jethro at si Ryan.

"Practice. Alam mo naman yun sila, basketball geek." Kaya naman pala. Hindi na talaga bago kay Rae ang mga ganitong pangyayari sa kanila.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon