PASS THE MESSAGE (One Shot)

164 5 0
                                    

'Ang gwapo niya talaga'

Nasabi ko na lang sa sarili ko. Haay. Sino yung gwapo? Ang aking oh-so-handsome crush, Marco. Nagtatawanan kasi sila ng barkada niya dito sa classroom namin. Oo, classmates kami. Mas gwapo siya kapag naka-ngiti at tumatawa. Ahihi.

Free time namin ngayon kaya walang klase. Absent teacher eh. Highschool nga pala kami, 3rd year.

"Guys! Laro tayo! Boring eh." Sigaw ng isa kong classmate na si Paul sa buong class. Nag-agree naman lahat kaya nilagay namin sa gilid yung chairs at naupo kaming lahat sa floor na naka-form ng malaking circle.

"Anong lalaruin natin?"

"Listen guys. Ganito yun. We'll play PASS THE MESSAGE! But this is not an ordinary Pass the Message game. May twist to. Haha." Paul said. Mukhang exciting nga to. Halata sa kanya eh. Psh. Haha.

"So ganto. Pipili ako ng isa sa atin. Hmm wait, sino ba pwede? Volunteer?" Tanong niya.

"Ako! Ako!" Sabi ko habang naka-taas pa ang kamay.

"Okay, Mary. So ganito nga. Kay Mary manggagaling ang message na iikot sa ating lahat. BUT! Para may twist, may isa pa sa atin kung saan manggagaling ang second message. Sino? Kung sino ang nasa tapat ni Mary."

Napa-tingin naman kaming lahat kung sino ang nasa tapat ko. And guess who?

OHMYGEE!!

si..

si..

KYAAAAHHH!!

MARCO <3

Nagulat ako nung mapatingin siya sakin kaya iniwas ko tingin ko sa kanya ^////^ Kahiya.

"Marco and Mary, sa inyong dalawa manggagaling ang message. Ang message ni Mary ay iikot sa left side niya. Si Marco naman sa opposite. So, dapat ang message ni Mary ay mapupunta kay Marco then yung kay Marco mapupunta kay Mary. Gets?"

Oh. Okay. Gets ko na! Masaya to! Hahaha. Ano kaya ang message na ipapa-ikot ko? Hmm.

"Ready, guys?"

"READY!"

"Okay, Mary and Marco, PASS YOUR MESSAGE NOW."

Then nagsimula na akong bumulong sa katabi ko sa left side nung message ko. Ganun din si Marco. Hanggang sa umikot na yung message sa magkabilang side.

Ano kayang message ni Marco?

Okay! Malapit na sakin yung message. Ahihi.

Hanggang sa lumapit na sa akin yung katabi ko para ibulong ang message.

O__O

O.O

"Okay guys. Its time to reveal the messages of the both sides! At the count of three, sabay niyong sasabihin ang message. Ready, Marco and Mary?"

"1...2...3..GO!"

"Mahal kita."

"Mahal kita."

PASS THE MESSAGE (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon