4

16 1 0
                                    

Paano nga ba nagkainitan sina Marco Evasco at Third Vasquez. Syempre hindi si Third ang nagsimula, paano naman kase niya uumpisahan, ni hindi nga niya kilala si Marco. Hindi nga kasi sya sikat na baseball player nila, sumikat lang naman siya dahil nga 'friend' niya- I mean new friend- siya ni Ariane. 

Umiinom kasi si Third sa caf ng biglang may sumagi sa kanya. Ang malala kasi niyan, 5 seconds na ang nakakalipas wala pa ring nag sosorry sa kanya. Alam niyo naman ang mga lalaki, inaalala nila ang kanilang super ego. Okay na sana e, kaso mas tinitigan pa siya ni Marco. Naiinis kasi si Marco sakanya, walangya! Pinagpalit lang siya sa tulad niyang walang kwenta at puro pasikat lang ang alam. Sobrang naiirita na siya, dumating tuloy yung mga kabarkada ni Marco. Eh may tama din ung mga yun kay Ariane. Nako. Patay tayo nyan, Third. Pinagkakainitan ka. 

Wala sa itsura ni Third ang manghamon ng away. Kaya nung paparating na ang mga barkada ni Marco, mas pinili niya pang wag makipagaway at alam niyang ayaw ni Ariane yun. Ayaw niya din naman kasi, hindi sa takot siya...ayaw niya lang talaga. Sobrang babaw lang daw kasi ng dahilan. (yung paginom ang alam niya)

"Sige 'tol," yun na lang ang nasabi niya. Leche. Siya na ang nagpakumbaba. Kaso hinawakan sya ni Marco sa balikat niya. 

"Gago ka pala e." Nanghahamon nga!

"Ayoko ng gulo." 

Nagtawanan tuloy yung barkada ni Marco. 

"Bakla," hindi nya talaga papansinin yun. Sobrang kitid naman ng ulo niya kapag nakipagaway siya sa mga yan.

"Sige tol." Aalis na talaga dapat siya kaso sinuntok na siya sa may panga niya.

"Kainis," nasambit niya. Ang sakit sumuntok. 

"Ayaw mo ng gulo 'di ba? Eh di away na lang." 

Hindi ko alam kung paano sila nakapunta ng gymnasium tho malapit lang namang ang cafeteria sa gym. Marami na ang nakapaligid sakanila. Mga taong nanunuod lang, wala pa kasing dumadating na mga teachers. 

Naintindihan lang ni Third lahat ng nangyare nung banggitin ni Marco ang pangalan ni Ariane. Napamura tuloy siya, ang babaw nga talaga.

Sumusuntok naman siya kahit papaano kaso madalas napupuruhan siya. Mas mabigat kasi ang suntok ni Marco, halatang nanununtok talaga. Eh si Third naman bola lang ng baseball ang kaya niyang hawakan. Duh? Malamang talo siya 'di ba?

May umawat na security guard sa kanila. Saka naman dumating si Sir Ron, Prefect of Discipline nila. Wala na, nahuli na. Di naman kasi sumali yung barkada ni Marco, ayaw din naman niya un kasi alam niyang talo na si Third kapag ka sumali pa sila. Fair dapat.... para kay Ariane. Ang korny kainis, sarap magpakamatay.

Umalis na ang mga taong nagchikahan at ginawang sine ang gym. Minutes later, dun lang dumating si Ariane with hingal effect pa halatang tumakbo pero may poise pa din. Ang ganda talaga niya. 

Napatigil tuloy si Marco. Sheeeeet! Ang dramatic talaga niya tumingin kay Ariane, para bang hulog talaga ng langit. Napahinto pa lalo siya nung hindi siya ang inalala ni Ariane. She chose Third over him. Kunsabagay, past siya at present si Third. Wala talaga siyang laban. Mas nainis pa lalo siya. 

Hindi siya galit kay Ariane, inis pwede kaso di talaga compatible ang 'inis' at 'Ariane', hindi sila bagay together. Para bang laging good things lang ang pwede sakanya. 

"Okay ka lang ba?" pagkarinig niya. Mas lalo tuloy syang nasaktan. Mas nainis pa lalo siya, mas lalo tuloy nangati ang mga kamay niya na para bang naghahanap siya ng pader na pwede niyang suntukin. Mahirap kasing maapakan ang ego. Isa pa, mahal niya e. Anong magagawa niya? 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Untitled StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon