Opposites Attract (One Shot)

8.1K 352 88
                                    

Opposites Attract

Naniniwala ba kayo sa kasabihang Opposites attract?

Takte, di ko talaga gets. Pano kaya kayo magkakasundo kung opposite nga kayo? Opposite nga eh. Magkaiba, taliwas sa isa't isa, magkasalungat, hindi talo, keber sa isa't isa.

"Eastela! Ano tingin mong masa maganda? Yung blue o pink?" Tanong sakin ni West. Nasa mall kame ngayon. Tinatanong kase nya ko ng magandang regalo para sa babae. Sabe ko bra! Hahaha!

"Yung blue." Wala sa mood kong sagot habang tumitingin ng iba pang items dun sa boutique. Tawagin daw ba ko sa buo kong pangalan! Hmp.

"East naman! Para sa babae tapos blue? Ni hindi mo nga tinignan." Paki paalala nga saken kung pano kame nagkakilala ng mokong na to? Basta alam ko lang nakapatupat pa lang ako kasakasama ko na to eh.

"Norwesto De Vera III." Panimula ko, bumuntong hininga ako at pumameywang. Naiinis na yan, kung anong ginuwapo ng palayaw nya, ganun naman kabaho yung buong pangalan. "Saan ka nakakita ng nagtatanong tapos ayaw umagree? Ikaw lang! Napakamokong mo talaga. Eh kung mas maganda yung blue eh." dagdag ko.

"You're making fun of me again! Babae nga ang pagbibigyan ko. Kaya dapat pink!" Sagot nya. Tignan niyo ha. May sarili naman pala siyang desisyon. Mas maganda naman talaga yung blue. Isa pa yan, lage kame magkaiba ng gusto. Di ko alam kung ba't ko ba napagtiisan ang mokong nato sa 17 yrs, na pamamalagi ko dito sa mundong earth.

"Hindi kita niloloko, matagal ka nang loko! Eh kanino mo ba kase ibibigay yan? Dapat kase bra nalang eh! Hahaha!" Napahinto siya nung nakita nya kong tumawa at napatitig, pero sumimangot din. Haaay ansarap talagang inisin ng mokong. Nagalit siya nung sinuggest kong bra, kaya for the first time in the history, nag agree siya na necklace ang ipang gift, suggestion ko rin yon! At ngayon, pinagdedebatihan naman namin yung kulay nung butterfly necklace na napili niya. Actually ako rin ang pumili ng design. Kanino kaya niya talaga ibibigay? Mukhang espesyal eh.

"Secret! Mas maganda yung pink! Ikaw ba bibili ha? Ha?" Tas inilapit niya yung mukha niya sakin yung sobrang lapit. Nakakamesmerize yung ganda nung mga mata niya.

Opposites attract. Attraction? Eh distraction ang meron kame, Tama! Distraction nga. *tango tango*

"Yung blue kaya! Bakla!" sabe ko nung matauhan ako sa pagpantasya sa kanya, tapos nag belat ako.

"Pakipaalala nga saken kung bakit ikaw ang isinama ko dito, eh di ka nga pala babae." Tas tumawa siya ng nang aasar. Arrrggh--- teka, ba't parang huminto yung tibok ng puso ko nang marinig ko yung tawa niya. Tas ang cute pala talaga ng mata niya, may maliit na nunal sa ilalim nung kaliwa. Tapos ba't diko maalis yung tingin ko sa mukha niya. Takte, anggandang view. Pwedeng tourist spot.

Napasimangot uli ako. Ano bang pinag iiisip ko. Erase! Erase! "Ikaw naman, bakla! Mag bloom ka na girl! Lumabas ka na sa cocoon mo at maging isang ganap na butterfly." Pumipitik pitik pa ang kamay ko habang nagsasalita at napapahawak sa tyan ko habang tumatawa.

Sumimangot naman siya.

"Oh!" Napatingin ako sa glass door sa gilid niya at nakita ang crush kong si Lance na katropa ni West. Di naman masamang humanga kay Lance dahil gentleman talaga siya at palangiti, di tulad ni West na lage akong sinusungitan, di ko nga alam kung pano sila nagkasundo. Biglang lumingon si Lance sa gawi namin at nakita ako. At! At!... At kumaway siyaaaaa!

"West! Did you see that? Kumaway si Lance! Teka mag h-hi lang ako ah." Nung patakbo na ko, biglang may mahigpit na kamay na humawak sa braso ko. Paglingon ko, nawala agad yung ngiti ko. Ansama ng tingin ni West, para syang mangangain ng tao. Ngayon ko lang siya nakitang ganyan.

Opposites Attract (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon