Pagdating ng Araw (Someday)
9:00 am na ako nagising. Bwisit kasi tong si MJ inumaga ako ng tulog sa kanya. Kakaisip sa sinabi niya.
Pagkatapos ko maligo at mag ayos. May meeting kami with the supplier para sa mga products na ididistribute namin sa ibat ibang bansa.
After ng meeting balik na ako sa suite para makapagpahinga at matulog ulit dahil napuyat ako kakaisip....
" i miss you!"
" i miss you!"
" i miss you!"
Susko! Kailan ba matatapos magreply sa utak ko to wala man lang bang stop button para maihinto ko man lang.
Nagbihis ako ng white shirt at dolphin short para matulog ulit. Tapos nilagay ang headset ko para makinig ng music.
Hinayaan ko na lang makatulog ako ng tuluyan............
"Waaahh!" Napabangon ako bigla ng may marinig ako ng sunod sunod na katok mula sa suite ko.
Tiningnan ko yung itouch ko, naubos ko na lahat ng songs sa playlist ko (Fyi guys nasa 200 naman siya, yung iba kung kakilala 10 lang laman ng playlist nila.)
Tumayo na ako dahil walang tigil yung pagkatok sa suite ko.
Pinagbuksan ko...
At agad agad namang pumasok siya ng wala mang paalam kung pinapapasok ko siya.
"Set it right here." Turo niya sa labas ng veranda kung saan kitang kita mo ang dagat.
Pagkasabi niya nun biglang may pumasok na mga staff ng hotel at biglang inayos yung lugar.
Anong nangyayari? Baka naman nanaginip pa ako? Oi gumising kana Carlie! Babangungutin ka dahil si MJ nanaman ang laman ng utak mo.
Mukhang hindi naman ako nanaginip. Tiningnan ko siya naka khaki shorts siya at collar shirt.
"Ok na din yan bihis mo ah!" He said it with a smirk.
"What the hell are you doing here?" Trying to sound mad at him kahit na nagwagwapuhan ako sa kanya ngayon.
"Let's have dinner, i know your tired kaya dito na lang tayo mag dinner. Kahit hindi kana magbihis ok na yan. Cute ka pa rin namin eh!" Ano daw? Processing pa siya sa utak ko.
"Hay naku!!! Wait lang magbibihis ako." Sabi ko sa kanya.
Habang ang adik nakangiti lang.
Nakakainis yung ngiti na yan!!! Diyan ako na fall dati eh!!!! Grrrr!!!!
Naghilamos agad ako at nagsuot ng white spaghetti dress na drop down. Nagpolbos ng konti at tinaas ang buhok w/ matching pink lipstick.
Lumabas na ako at pinuntahan siya.
Aba ang loko sitting pretty pa na nanunuod ha.
"Ang tagal mo ha!" Pagrereklamo niya.
"Edi sana hindi kana nag antay! Umalis kana sana! 15 mins lang naman ako nawala!" Pagsusungit ko sa kanya.
"Hindi kana mabiro. Halika kana nga." Kinuha niya yung pulso ko at hinila ako papunta sa veranda.
Bigla akong namangha! Edi shing haha
Yung veranda nagkaroon ng mga white christmas lights at mga candle sa walk way. Mga nakatayo na server sa side tapos isang table set up sa dulo ng veranda kung saan kitang kita mo ang dagat at maririnig ang bawat hampas ng alon.