Napakacommon na ng gantong sitwasyon kung iisipiin, cliche, o gasgas na at masasabing tanga, bobo, inutil, yung taong ipapasok ang sarili niya sa sitwasyong alam naman niyang dehado o talunan siya.
Bakit ka nga naman kasi magmamahal ng isang taong alam mo di ka kayang mahalin? o may mahal ng iba? Lagi mo nalang ba sasabihin na,
"Di ko to ginusto."
"Nagmahal lang naman ako."
Ako si Chance, at tulad ng naka quote sa taas, "Di ko to ginusto, nagmahal lang naman ako e."
Di naman ako nagsisisi, dahil simula palang alam ko na ang kahahantungan ng pinasok kong gusot, e minahal ko lang naman ang isang taong may mahal ng iba. Ano pa nga bang aasahan ko? Di mo kayang labanan ang "may pinagsamahan, at nagmamahalan" sa "panandaliang saya, at landian lamang".
Kala ko nga di aabot sa puntong hahanap hanapin ko ang presensiya niya, na gusto ko kausap ko siya lagi, na kahit isang araw lang sa isang linggo, o kahit pa tatlumpong minuto lang sa loob ng isang araw masilayan ko siya.
Hanggang sa ang dating simpleng halik at yakap niya'y kinakikiligan ko na, na hanggang sa mapansin kong ang ganda pala ng mga mata niya, na ang pangaasar niya ay di ko na alintana, at yung lahat ng ginagawa niya ikinatutuwa ko na.
At nagising nalamang ako isa araw at napahawak sa dibdib ko, pinakiramdaman ang pagtibok ng puso ko, at napailing,
"Paksh*t naman e. Naunan nanaman akong mahulog. Tang*n* this!"
Walang relasyon, at lalong walang namamagitan. Yan kami.
Di niyo naman ako masisisi di ba? Dahil sa sitwasyong ito na lagi kayong nagkakasama, nagkakatuwaan, imposibleng walang mahulog, imposibleng walang kakapit, at sa kaput*ng*nahan namang pagkakataon, Ako si Chance, ang nahulog at nagmamahal.
Masakit na sa araw araw kelangan mo isantabi ang nararamdaman mo para di siya lumayo at mailang sayo, syempre alam mo na ngang may mahal na iba ung tao e, an naman sa kanya kung may nararamdaman ka diba?
Di naman siguro siya magpapaputok ng fireworks at magpapagawa ng banner just for you..
and TORTURE di ba? Yung di ka mahal ng taong mahal mo? Tipong pinapatay ka araw araw?
Pero ako na ata ung taong nasasaktan na pero ayaw pang bumitaw.
Yung kaya pa siyang asarin sa taong mahal niya.
Yung nagagawa pang tumawa at ngumiti kahit gustong gusto mo ng umiyak sa harapan niya.
Yung nagagawa parin siyang harapin kahit sa loob mo takot na takot kang marinig niya ang sinisigaw ng puso mo.
Bakit?
Simple lang, mahal ko siya e.. at di ako nagsisisi, at kung mali man tong nararamdaman ko, handa akong maging makasalanan. Handa akong panagutan ang sarili kong katangahan.
Ang nararamdaman ko man sa kanya'y malabo pa sa maruming tubig ng ilog pasig na matugunan o masuklian,
pero hangga't alam kong andyan siya sa tabi ko kahit pa iba ang nasa isip at puso niya, hangga't nakikita ko ang ngiti niya kahit sa kanya naman siya tunay na masaya,
Ako si Chance ay mamahalin parin siya, at tatangapin man kung ano ang kahahantungan nito.. maging latak man ang kalabasan ko.
Masakit, Oo. Pero nagmahal lang naman ako e. :)
"Mapapagod din ang puso, pero hangga't andyan ang damdamin.. wag mo itong isantabi, iparamdam mo ito sa kanya para pag dumating ang araw ay di mo ito pagsisisihan. Ano naman mapapala mo kung itatago mo nararamdaman mo di ba?"
ay pag napagod ka na..
Ipahinga mo lang ang puso mo, dahil di masamang magmahal mulo, wag kang matakot..
dahil malay mo pag dumating na yung araw na handa ka ng magmahal muli ay dadating nalang siya bigla at bibigyang kulay muli ang mundo mo.