Prologue

3 1 0
                                    

Joshua's POV

***

Tanghali na nang gumising ako. Sino ba naman siguro ang may gustong gumising nang maaga tuwing bakasyon.

Parang nagugutom na ako ah, may nagmamakaawa na rin rito sa loob ng aking katawan, sinasabing "Gutom na po kami! maawa kayo! bakit ang tagal niyong gumising, baka mamatay kami rito!" Buti nga sainyo!

Pagka baba ko sa aming sala ay nakita kong naka upo sa sofa ang magkapatid na Collins. Matalik ko silang kaibigan simula pa noong mga bata palang kami, madalas rin sila dito kapag nagbabakasyon sila sa bahay ng kanilang lolo't lola dito sa aming lugar sa La Presa.

"Uy! bro! napa sarap yata ang tulog mo mo ah! Siguro napanaginipan mo yung mamahalin mo ngayong pasko noh!?", pabirong sabi ni Wade.

"Sira! ganito naman talaga ako kapag bakasyon! ano pa bang pagkakaabalahan ko diba? edi mabuti pang matulog! Buti pa nga dun mapapanaginipan ko pa yung 'LOVE OF MY LIFE' ko" (sabay tingin ko sa may labas ng bahay habang naka ngiti)

Bigla nalang akong tinulak ni Sammy at bigla akong binuhat ni Rain at pinag tawanan nila ako.

Hay nako, itong tatlo talaga! porket mas pogi pa ako sa kanila, ginaganito na nila ako. "Baliw na ata ako! siguro, dahil hindi pa ako kumakain".

"Bros! kain muna tayo sa aming silid kainan, maraming hinanda sina yaya dahil alam nilang dadating kayo." anyaya ko sa kanila

"Ay, hindi na bro, tapos na kami sa bahay kanina palang." sagot ni Rain

"Sige na! kahit konti lang. Oh kung ayaw niyo nama'y, mag bonding nalang tayong lahat mamayang gabi dito, isama niyo na rin si Gabby para may makausap si ate", anyaya ko parin sa kanila

"Aba'y sige ba!" sabay sagot ng tatlo

Masaya ako nang narinig ko yung sagot nila. Simamahan nila ako sa silid kainan at napag usapan narin namin ang aming mga napagdaanan sa buhay.

"Punta tayo'ng sala Josh? Mukhang tapos ka naman ding kumain diyan", Ani Wade

"Yaya? tapos na po ako rito, pwede pong pakiligpit nalang?"  pag utos ko kay yaya

"Tara na!" anyaya ko sa kanila

Paupo na sana kami nang dumating ang kapatid nila Wade, si Gabby!

Napatulala ako, ano ba ito! bakit parang hindi ako makagalaw sa pinagkakatayuan ko! Sh*t! 'di ko mabayaw ang tingin ko sa iba! Tumigil na yata ang mundo ko!

"Anyare?!", Patawang sabi ni Rain

"Diyan ka na nga lang!", sabi ni Sammy

Paalis na silang lahat at sinigawan ako ng "Kita nalang tayo mamayang gabi!".

Pumunta na ako sa kwarto nang umalis na sila at napaisip tungkol sa nangyari sa akin kanina. Tsss! Ano ba yun! Para akong baliw, anong nangyari sa akin! Hay naku! *sabay buntong hininga ko.

Bumaba nalang ako at tumulong kay yaya para sa pag dating nila mamaya.

...dingdong... dingdong... dingdong...

Andiyan na ata sila.

"Uy Wade!", sabay Hi 5 naming dalawa

"Mga iho at iha, pasok na kayo sa loob handa na ang inyong pagkain", tawag ni yaya

Habang kumakain kami, bigla kong naramdaman na mayroong kakaiba sa loob ng aking katawan, yun bang parang may tumutulak sakin na tumingin kay gabby. Pilit ko mang ibayaw ang aking paningin sa iba pero parang namamagnet yung paningin ko sa kaniya.

"Tapos na pala tayong lahat! Tara na! nood tayo ng movie!" anyaya ni ate sa aming lahat

Pumunta na kaming lahat sa silid tanggapan at nanood ng movie. Wala kaming ibang mapanood kaya nanood nalang kami ng Korean Drama, "Love Rain". Tamang- tama rin kasi umu-ulan.

Sa kalagitnaan ng aming panonood, napansin ko'ng nakatulog na si Gabby. Ang ganda niya pa rin kahit natutulog.

Sino ba namang hindi magagandahan sa babaeng may kutis porselana, kumikislap yung mga mata, may natural na kagandahan sa buhok at mahaba rin, matangos ang ilong, may mapupulang labi, divided chin, may dimples malapit sa labi, sim-ple lang siyang pumorma, yung tipong walang arte, matalino, matulongin, at napakabait pa! Nasa kaniya na yata ang lahat!

"Dito nalang kaya tayo matulog lahat, samahan nalang natin si Gabby dito" sabi ni ate Kaycee

"Sige, walang problema yan!" sabay na sagot ng mga kuya ni gabby

Agad na ininihanda ni ate ang mga airbed namin at hinayaan nalang si Gabby sa sofa, inilagay lang namin ang kumit sa kanyang katawan para di siya lamigin at natulog na ang lahat, si ate ang nasa may baba ni gabby ako naman ang nasa tabi niya at katabi ko naman si Wade na parang Helicopter matulog, ibang- iba sa kaniyang dalawang kapatid na halos hindi maiba ang posisyon sa pag tulog.

Habang tulog ang lahat, ako ay dilat na dilat na nakatitig kay Gabby. Why am I always looking at her? Why can't I keep my eyes away from her?

***


Bakit nga ba ganun si Joshua? 'Yan ang dapat niyong abangan! Patuloy niyong basahin ang unang kabanata para malaman ninyo kung 'bakit nga ba?'

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 20, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

It will Never be the Same AgainWhere stories live. Discover now