May isang kalabog na biglang umiral,
Na syang sa buong iskwela'y nag paingay,
Grupo na naman ng kalalakihan,
Ang syang naghahari-harian.
Isang babae kanilang napagtripan,
Bagahe nyang pinag aagaw-agawan,
Sya'y pinagtatawanan ng mga kalalakihan.
Na syang nag wasak ng katahimikan,
Ito'y umagaw sa akin ng pansin,
Ang tingin ko'y sa kanila nakabaling,
Nag init ang ulo ko sa kanilang balakin,
Ano bang ka-demonyohan nais nilang pairalin?
Nakaka tukso gusto kong sumuntok,
Lapitan at sila'y i-untog.
I-untog sa kamao kong kanina pa umuusok!
"Huh, ito pala ang dahila kung bakit ako pumasok."
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...