"Panaginip"

14 0 0
                                    

Year - 2006

3rd yr highschool ako nung una kong makaclose si Mark a 4th yr highschool student. Pero matagal ko na syang kilala kase iisang barangay lang naman kame!
Si Mark? Mabait,matangkad,maputi,malinis tingnan, in short 'GWAPO TALAGA'
Hay... crush na crush ko talaga sya! Simula pa nung 2nd year.

Alam mo yung pakiramdam na gaganahan ka pumasok everyday dahil may inspirasyon ka? GANON!

Pero alam ko namang di nya ako mapapansin that time,maliit,maiitim,kulot - dugyot! Hay. Ang saklap! At alam ko din naman na di ako ang tipo ng mga ganong lalaki, hanggang PANAGINIP ko lang sya at tanggap ko yun!

Mabait si Mark, lagi naman nya ako pinapansin kapag napapadaan ako sa classroom nila! Lagi nya din ako inaasar na mas kinatutuwa ko! Sabi nga ng mga kaibigan ko, para daw akong bulateng nilalagyan ng asin after nya ako pansinin! (HAHAHA! natatawa ako sa sarili ko!) pero totoo!

May time na i-e-excuse nya ako sa klase para lang humiram ng ballpen? O para humingi ng papel na pwede naman sa kaklase nalang nya.
May time na kunyari papatirin nya ako or habang naglalakad biglang dadanggiin sa balikat.
Minsan na kapag makakasalubong ko sya haharangan nya dinadanan ko. Pilyo pero gusto ko! 😊

Nung 3rd year na ako nagkaron ng program sa school bawat year nagpapractice ng gagawing presentation -  in short no class! Habang sumasayaw ako nakatitig sya!  Para akong matutunaw, ewan! Siguro dahil natutuwa sya kase para akong batang sumasayaw sa harap ng maraming tao na after bibigyan ng coins! 😁

Pero Dancer talaga ako ng school namen, mahilig talaga akong sumayaw! Feeling ko kapag sumasayaw ako nailalabas ko kung sino talaga ako! Yun bang di ko masabi at di ko maipakita na proud ako sa sarili ko,pag sumasayaw ako nagagawa ko!

After ng practice namen, lumapit sina Mark kasama ang barkada nya sameng magkakaibigan!
Binigyan kase ni Rey si Nalyn ng tubig! (Oo,nanliligaw yung isa nyang barkada sa isa kong kaibigan at yung isa naman matagal ng GF yung isa ko pang kaibigan - at yun din ang dahilan kung bakit kame naging Close!)
Si Nalyn at si Jane? Ligawin talaga sila ma-appeal kung baga! Dalagang dalaga na kase ang style nila (kumpara saken na parang pinabibili lang ng nanay ko ng suka ang itsura)

"Loves tubig!" Sabay abot ni Rey.
"Bhe tubig.."abot din ni John kay Jane.

"Loves ang galing mong sumayaw lalo ako nainlove" sabi ni Rey.

"Umhu" sagot na pabara ni Nalyn.

Kinikilig ako para sa mga kaibigan ko, syempre! Ikaw ba naman ang magustuhan ng mga hearthrob ng school nyo diba?! Well, sila yun! 😊

Habang nagkukwentuhan sila na sa isang tabi lang ako nakaupo at nanonood ng sayaw ng ibang year. Nang biglang lumapit si Mark! (OMG!)

"Oy,panget" bati ni Mark.
"Kelangang ipamuka? Alam ko yun" sagot ko.
"Joke lang! Napaka sensitive mo ba!" Bawi nya.
"Alam ko naman kase talaga na panget ako."sabay smile ko.

"Joke nga lang!" sabay tabi sa inuupuan ko.

Ayan na yung kaba sa dibdib ko, ano ba yan? Parang di ako makahinga! Lumayo ka nga Mark bago pa ako mahimatay (sa isip isip ko)!

"Oh panyo" sabay abot ng panyo nya.

"Bakit?" walang muang kong tanong.

"Magpunas ako ng pawis lalo ka nagmumukang dugyot eh" pabiro na naman nyang sabi.

"Aray ha!" sagot ko,sabay kuha ng panyo nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 21, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

"Panaginip"Where stories live. Discover now