Gulo'y aking nilapitan,
upang ito'y aking pigilan,
Ang tapang sa aking isipan,
Sya ngayong pina-iiral ng lubusan.
Hinawakan ko kamay ng kanilang pinuno,
at saka ako nakipag titigan sa kanya ng todo.
Ano raw bang balak kong gawin?
Bulong ko'y kapayapaan ay agawin.
Gusto ko raw bang sumama sa gulo nila?
Aba'y ng marinig, ulo ko uminit bigla.
Kanina pang umiinit kamay kong nakapila,
Ang isusuntok ko sunod-sunod sa kanila.
Sinuntok ko ang kanilang pinuno,
Solid sa mukha hanggang dulo,
Pinag tulungan ako agad ng kanyang grupo,
Buti'y dumating agad aming tagapagturo.
Lahat kami'y sumuko,
Ng sumigaw aming tagapagturo,
sa nakikita nyang gulo,
katakot-takot na senaryo.
BINABASA MO ANG
TALAARAWAN NG ESTUDYANTE
PoetryPaano kung ang bitwin sa itaas ay mabilang? Eksakto at walang kulang? Paano kung ang gabi at araw ay may simbulo? Yung mabilang ang mga tala dito sa mundo? Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento, Magkakaiba ngalang ng itsura at...