Jho.
Tatlong beses na akong kumatok sa pinto ng kwarto ni Bea at mga mahigit 3 minutes na rin akong naghihintay na may magbukas neto.
Nako naman... Galit kaya siya sakin? Hindi ko naman siya nireject eh, sinabi ko lang na I need time muna. Aarggghh. Stop overthinking Jho. Baka tulog pa 'yun kaya walang sumasagot.
Eto na talaga, last. Kapag di niya pa rin bubuksan aalis na lang muna ako.
*knock knock knock*
Patrida medyo nilakasan ko na yan ha. Impossible nang di niya pa rin maririnig kung sakaling gising man siya.
"Wait a minute!"
Wait... Mukhang di yun boses ni Bea ah.
Dinouble check ko yung room number niya. Ganun pa rin naman. Kwarto ni Bea.
Nakarinig ako ng footsteps papalit sa pintuan. Sign na bubuksan na niya. Oh my God.
"Hi. What do you need?" Masayang bati niya.
"Uhmm, where's Bea?" Medyo gulat at nagtatakang tanong ko.
Oo, tama kayo ng pagkabasa. Hindi siya si Bea. May ibang babaeng nagbukas ng pinto. Hindi ko rin alam kung sino siya. Maganda siya, medyo mestisahin ang dating, maputi, at hindi katangkaran. Pero ano naman ginagawa netong babaeng 'to dito? Last time I checked walang kasama si Beatriz dito sa Palawan kundi ako lang.
"Ohh she's taking a bath eh. But wait, what's your name ba?" Nakangiting tanong niya sakin.
"I'm J-jho." Sabi ko habang napayuko onti. Ewan ko pero kinakabahan ako na nahihiya. Help.
"Boo!! what's taking you so long?" May sumigaw mula sa loob. Alam kong si Bea yun.
The girl in front of me smiled at me before she looked inside.
"Babe, someone's looking for you! Come here." Medyo pasigaw naman na sagot netong babaeng nasa harap ko na tinatawag si Bea. Huh? Tama ba yung pagkarinig ko, Babe raw?
Nakarinig uli ako ng footsteps, meaning papunta si Bea sa kinaroroonan namin.
"Sino raw--Jho?" Gulat na tanong sakin ng Bea nang makita niya ako.
"Oh you guys know each other pala?" Singit naman nung babaeng kasama niya.
Maintim lang kaming nagtititigan ni Bea habang mukhang gulat pa rin siya ng konti.
Naputol lang ang pagtitinginan naming nang may biglang humawak sa kamay niya at pinag-intertwine pa 'yun. Oo yung babaeng kasama niya.
"Babe naman eh. I'm asking oh, di niyo naman ako pinapansin." Sabi naman nung girl sabay pout at nagpacute kay Bea. Shit babe nga.
"Sorry. Ahh, Boo this is J-jho. Jho, this is Jana." Pag-aalanganin na sabi ni Bea.
"It's nice to meet you, Jho!" Masayang bati sakin nung Jana. Ngumiti naman ako ng konti. Makikipag shakehands sana ako pero instead na makikipagkamayan siya sakin, lumapit siya at niyakap ako.
Habang magkayakap kami ni Jana, nakita ko namang nakatingin sakin si Bea pero napayuko siya nang nagtama ang amin mga mata.
Nandito ako ngayon sa kwarto ko nagmumuni-muni. Simula nung magkita kami ni Bea kasama si Jana kaninang umaga hindi na ulit ako lumabas ng kwarto ko simula nun. Ewan ko pero nawalan na rin ako ng gana. Kanina habang nag-iisip isip ako, dumiretso ako sa balcony ng hotel room ko para magpahangin. Kung sinuswerte ka nga naman, nakita ko sila Jana at Bea sa may dagat naliligo. Nung una di ako siguradong sila yun pero napansin ko pa rin naman. Ang saya-saya nilang tignan. Sino ba kasi si Jana sa buhay ni Bea? Bakit parang ang close na nila na matagal na silang magkakilala. O baka naman nameet niya lang rin ito dito sa Palawan simula nung hindi kami nagsama dahil humingi muna ako ng space sakanya after kong malaman ang lahat. Hindi ko alam. Pero napaisip na lang ako ng, "akala ko ba gusto niya ako?".
BINABASA MO ANG
The Way You Look At Me (A JhoBea Story)
Romance"Your eyes tell me that you'll love me everyday. No matter what may come you'll be there to stay." - J.M.