Nung nakita kita ako ay nabighani sa iyong mga mata.
Mga mata na hindi alam kung saan pupunta.
Mga mata na hindi kayang itago ang lungkot na nadarama.
Ititigil ko ang pag hanga dahil ayokong mabuhay sa pantasya.
Sa pantasya kung saan ako lang ang nakakaalam at nakadarama.
Gustong kong lumapit at ikaw ay kalabitin.
Subalit bigla ka na lang nila inilayo sa akin.
Napakalupit ng tadhana sa pag sampal sa akin.
Dahil inilayo pa ang babaeng para sana ay sakin .
Gusto kong pumiglas ngunit wala akong magawa.
Nakagapos ako sa mga masasamang ala ala.
Mga ala ala na ayaw kong bitawan at pakawalan.
Marahil dito sa ala alang ito ako ay masaya bago niya ako iniwan.
Ayoko na sanang maulit pa ang nakaraan
Kung saan siya sumuko at di na ako binalikan.
Sa pag tunog ng buzzer ako ay natauhan.
Natauhan sa katotohanan na di ako mahal niyan.
BINABASA MO ANG
Usapang Damdamin
RomanceHello sa mga nag babasa nito ! Ang mga nakalagay dito ay mga orihinal na isinulat ng author. Tungkol ito sa mga experience ng author sa larangan ng pag-ibig. Enjoy!