Lagi akong dumadaan sa klase niyo
Para lang masulyapan kahit anino mo man lang.
Napupuyat at nababato ako sa kakaisip sayo
Tumitigil ang mundo ko sa tuwing ika'y nagdaraan.
May mga pagkakataong gusto ko na talagang magtapat sa harapan mo
Sabihin ang mga katagang "Mahal kita, crush!" na noon ko pa tinatago.
Binibiro lang ba ako ng tadhana o sadyang torpe lang talaga kasi ako
Isang araw nakita kitang kasama ay iba ang puso ko'y nagtampo
Sana talaga, oh sana noon ko pa dapat inamin ang aking lihim na pag-ibig
Na sa kadulu-duluhan napangungunahan ako ng takot at kabang walang himig
Kahit minsan kadalasan ay napapanaginipan pa rin kita sa umaga
Yun lang talaga tibok ng puso'y parang di titigil at mawawala
Ang luha ko'y wala nang paglagyan
Dapat nalang siguro kitang kalimutan, oh!
A/N: Thankyou po sa pagbabasa. Vote and Comment pls. Sana mabasa nyo din ang part 2 neto :D Guys, PAKIBASA DIN UNG IBANG STORIES KO DITO. SHARE! Thanks *Muah muah