Isang araw bumuhos ang malakas na ulan,
Ako'y nasa daan at walag masisilungan;
Buti na lang may dumating na isang Superman,
Na naglakas loob na ako ay pinayungan.
Sa gitna ng ulan kami ay nagkakilala,
Sa lakas ng loob niya ako ay napahanga;
Katulad daw niya si superman na laging handa,
Sa mga Maria Clarang sa kanya umaasa.
So sobra niyang yabang, hindi ko na namalayan,
Kami ay nakatapat na sa aming bakuran;
Wala na 'kong magawa kundi ang magpaalam,
Sa taong kung tawagi'y hari ng kayabangan.
Sa 'king pagtulog siya'y di nawala sa isipan,
lalo na sa boses niyang puno ng kakulitan;
Para bang tandang na walang kinakatakutan,
Na kanino man ay makikipagsagupaan.
Araw din ang lumipas ng siya'y makilala,
Muli kaming nagkita at ako ay niyaya;
Agad naman akong sakanya ay napasama,
Pagkat nais ko nga siyang lubusang makilala.
Dekada na ang lumipas nang lubos na makilala,
Unti-unti, puso ko'y napamahal sa kanya;
Minuto o oras lang na siya'y di ko makita,
Talo ko pa, inahing iniwan ang asawa.