Chapter 33

1.6K 33 1
                                    


Naramdaman ko na lang na may kamay na humawak sa kaliwang balikat ko.

Ang bigat naman yata ang kamay ng multong ito.

Humigpit ang hawak niya sa balikat ko.

Hindi ako nagkakamali hindi na ito isang guni.guni. Totoo na ito at mamamatay na ako. Hindi maaari! Hindi!

Humarap ako sa kanya at sinipa ko ng buong lakas ang kanyang pinagmamalaki....

"Aray!"

Teka lang, di ba babae yung multo? Bakit nasaktan siya pero sabagay kahit sinong masipa masasaktan pa rin siya kahit babae pero bakit kabayo yung boses niya at tumalon talon pa? Kabayo nga. Teka lang ulit, nasasaktan din yung multo kasi umaray! Ah basta!

Pinagpapalo ko siya habang siya naman nakayuko.

"WALANG HIYA KA! HINDI NAMAN KITA GINUGULO AH! NAKIDAAN LANG NAMAN AKO SA HAGDAN KASI TAKOT AKONG SUMAKAY SA ELEVATOR TAPOS PAPATAYIN MO NA AKO NGAYON? HINDI AKO MAKAKAPAYAG DAHIL HINDI PA KAMI NAGKAKABALIKAN NI MIKE AT HINDI PA AKO NAKAKAPAGHIGANTE SA LAHI NI ALEXANDER BUENIDICTO!"

"Aray! Tama na!" sabi ng multo at umangat ang mukha niya. Ay bwisit! Siya yung guard na tumulong sakin noon.

"Ikaw? Anong ginagawa mo dito?"

"Aray ko..."
halos napapapikit siya sa sakit na kagagawan ko at namumula na ang mukha niya.

"Sorry. Sorry talaga, pasensiya na di ko sinasadya." napakagat labi na lang ako kasi hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko naman pwedeng hawakan ang sinipa ko baka ano pa ang makapa ko di ba?

Tinaas niya ang isa niyang kamay sa may sakin para patigilin ako at dahan.dahang tumayo pero hindi siya makatayo ng mabuti dahil masakit pa siguro ang kanya.

"Woooohh!" napayuko ulit siya at itinukod ang kamay niya sa tuhod niya. "Aray! Ang sakit talaga."

"Masakit pa ba? Ano bang gagawin ko?" ano ba ang gagawin ko? Kasalanan ko to eh! Kusa ng gumalaw ang mga kamay ko pero pinigilan niya ito.

"Teka, anong gagawin mo? Huwag mo ng ituloy baka di ko mapigilan." nginisian niya ako at sinubukan niya tumayo ulit pero mas nakakatayo na siya ng mabuti kumpara kanina kahit hindi pa masyadong tuwid.

"Bastos ka ah!"

"Oh relax baka mabasag mo na to.  Tandaan mo may kasalanan ka pa sakin."

"Sorry na."

"Hindi naman maaalis ng sorry mo ang sakit eh. Paano kapag nabaog ako?"

"Hindi ko alam. Ganito na lang magpacheck up ka bukas."

"Oh tapos?"

"Ipatingin mo yan."

"Ayokong magpakonsulta sa doctor ng mag.isa. Ano naman ang sasabihin ko? Na sinipa ako ng isang babae? Ayoko nga baka isipan pa ng doctor na rapist ako. Bakit hindi mo na lang ako samahan bukas total ikaw naman ang may kasalanan."

"Bakit kasama pa ako. Ikaw na lang mag.isa ako na lang ang bahala sa pangpacheck up mo."

"Ayokong pumunta bukas sa doctor ng mag.isa dahil baka sabihin ng doctor na baog ako. Teka may naisipa akong paraan. Samahan mo ako bukas tapos sabihin natin na hindi tayo magkaanak kaya nagpacheck ako at least hindi yun masyadong nakakahiya kumpara sa sinipa mo ako."

"Bakit ka ba kaso nandito?"

"Trabaho ko yun na maglibot tuwing gabi para siguraduhin na walang nakapasok na magnanakaw. Ikaw bakit nandito ka pa?"

"Yung magaling mong boss ang daming utos. Bakit hindi mo na lang ako tulungan na humanap ng printer?"

"Kahit tulungan pa kitang maghanap hindi ka pa rin makakapagprint out dahil yung susi ng mga office nasa baba na."

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon