Ayon sa marami pagdating sa pag-ibig walang kahit anong agwat ang makapipigil basta pag naramdaman mong mahal mo siya yun na un.
Si Miguel ay mula sa isang simple pero may marangal na pamilya. Wala man kahit na
anong bagay ang maibigay sa kanya ang kanilang mga magulang na tulad sa ibang bintang gaya niya ay masaya pa rin siya dahil para sa kanya walang kahit anong bagay ang mas tutumbas pa sa pagmamahal ng isang pamilya.
Si Avah ipinanganak na mayaman mula sa pamilya na kilala sa larangan ng pagnenegosyo. Kahit anong naisin niya ay kanyang nakukuha agad. Subalit may isang bahagi sa buhay niya ang kulang at ito ay ang pag-aaruga ng kanyang mga magulang.
Isang hapon habang nagmamaneho si Avah pauwi sa hindi inaasahang pagkakataon ay bigla siyang nahilo dahilan upang mabangga niya ang nagbibisikletang si Miguel. Dahil sa pagkagulat at pagkataranta ay dali-daling lumabas ng kotse si Avah upang tignan ang nangyari sa labas.
"Ayos ka lang ba? Dahil na kita sa ospital" sabi niya sa lalaki. " naku wag na ayos lang ako." Sabi ni Miguel. Sabay tayo ngunit bigla rin itong natumba kaya naman inalalayan siya ni Avah pasakay sa kotse.
Pagkatapos tignan ng doktor ang kondisyon ni Miguel ay lumabas na ito ng kwarto.
"Sabi ko naman sayo okay lang ako eh, naabala ka pa tuloy at nagastusan ka pa" sabi ni Miguel. "Walang halaga ang pera ano ka ba,tsaka konsensya ko din yun kase ako may kasalanan kaya ka nagkaganyan." Tugon naman ni Avah. "Sus konting pilay lang ito nito, hindi ko ito ikamamatay. Nga pla mauuna na rin ako kase kelangan ako sa bahay. Salamat nga pla". Wika ni Miguel. "Walang anuman, ihahatid na kita sa inyo at bawal ang tumanggi", sabi ni Avah. At wala na ngang nagawa pa si Miguel.
Pagdating nila sa bahay nila Miguel ay magulat si Avah dahilan upang ito ay mapatulala ng saglit. "Naku pasensya ka na sa bahay namin ha, maliit at masikip.", sabi ni Miguel sabay kamot sa ulo. "Hindi ayos lang. Pero pwede magtanong?", puno ng kuryosidad sa isip ni Avah. "Sige ano ba iyon?",sabi ni Miguel. "Ilan kayong nakatira dito? Tsaka pano kayo nagkakasya dito?", medyo mahina at nahihiyang tanong ni Avah. "Lima kami lahat dito, sila nanay at tatay at kaming tatlong magkakapatid. Sanay na kase kami tsaka ito pa lang sa ngayona ng kaya namin kaya tiis muna mahalaga kumakain kami sa tamang oras at kompleto kaming pamilya okay na iyon.," mahabang paliwanag ni Miguel.
Biglang nakaramdam ng lungkot si Avah sa pagkukwento ni Miguel kung kaya't siya ay nagpaalam na dito ng biglaan. Napansin naman ito ni Miguel ngunit binalewala na lamang niya. Bago umalis si Avah ay ibinigay nito ang kanyang numero kay Miguel upang kung kelangan daw nito ng trabaho ay tawagan lamang daw siya.
Makalipas ang mga araw ay nagkaroon din ng lakas ng loob si Miguel na tawagan si Avah. Sa kanyang pagtawag ay minabuti ni Avah na papuntahin si Miguel sa kanilang bahay upang mas makapag-usap sila. Kaya naman agad na pumunta si Miguel sa bahay nila Avah ngunit ayaw siyang papasukin ng mga guwardiya kaya't tinawagan niya si Avah. Pagdating ni Avah sa gate ay agad na pinapasok ng mga guwardiya si Miguel.
Habang naglalakad ang dalawa papunta sa bahay ni Avah ay panay ang kwentuhan nila at nagkakasiyahan silang dalawa.
"Sobrang yaman mo pla no?", biglang nasabi ni Miguel. "Magulang ko ang mayaman hindi ako." Sabi naman ni Avah. "Ngunit magulang ko yun ibig sabihin sayo na rin ito."sabi ni Miguel.
Hindi na lang nagsalita si Avah at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
Pagdating sa bahay nila Avah agad na tinawag nito ang isang katulong upang ipaghanda sila ng miryenda. "Avah pwede magtanong?," sabi ni Miguel. "Sige ano ba iyon?," Sagot naman ni Avah. "Paano kayo yumaman ng ganito? Pangarap ko rin bigyan ng ganito kalaking bahay ang pamilya ko.," sabi ni Miguel. "Ang alam ko alam ko lang mayaman na talaga ang mga lolo at lola tapos pinamana kila Mommy at Daddy. Bakit ba tungkol sa pamilya ko ang pinag-uusapan natin." Sabi ni Avah. " Ah oo nga pala. Pasensya na. Ano nga pla ang trabaho na ibibigay mo sa akin?" tanong ni Miguel. "Driver sana kaso marunong ka ba magdrive?", tanong ni Avah. " Oo nagging delivery boy ako dati." Sabi ni Miguel. "Buti naman, ganito ikaw ang magmamaneho para sa akin. Hatid at sundo mo ako sa eskwelahang pinapasukan ko. Ayos lang ba?" Tanong ni Avah. "Oo naman madali na iyon sa akin." Sabi ni Miguel.