Chapter 9: Friends

49 0 0
                                    

Betty:

Kunwari nag evictus ako papuntang faculty room.

Matapos naming magstalk at basahin yung tear jerking post ni Randy na yun. Humiwalay ako sa mga bakla at saka pinuntahan sya sa faculty. Hindi ko kasi alam yung feeling ee, bat nga ba nagka guts ako para makipagusap sa kanya? Wala naman akong balak awayin na sya. Over na tayo dun mga bes. I dunno ee. Basta parang nagkaron ng sarileng buhay yung mga paa ko at dinala ko papunta ng faculty.

And luckily, naabutan ko sya. Nagiisa lang sya sa loob.

Pumasok ako, wala pang limang hakbang yung nagagawa ko. Nagulat ako kasi nagsalita sya.

"Close the door" utos nya.

Napalunok ako dun bes. What does it mean?

Nakatingin lang sya sakin.

"I said, close the door" sabi na naman nya. Mygad. Ang cheap naman nito. Sa faculty nya ba ko balak-- Hutaena.

"Sir, ano. Dito talaga? Hindi ba--" magsasalita sana ko kaso inunahan nya ko.

"Close the door, lalabas yung aircon" ayun. Direct to the point. Ang naughty ng brain mo Betty.

"We? May paa? Lalabas?" Pambabara ko. Para kunwari hindi halatang napahiya ako. Ganern

"Whatever" narinig kong sabi nya sabay pagpatuloy ng pagtytype dun sa laptop nya.

"Sir" sabi ko nung nasa harap na nya ko. Wait, ano ba sasabihin ko?

"Yes, what?" Tanong nya habang nakatutok pa din ang mata sa ginagawa nya.

"Im sorry" nakayukong sabi ko.

Natigilan sya. Yung tipong napahinto sya sa ginagawa nya at napatingin sakin.

"Char!" Echos ko na lang.

"Yun na yun?" Tanong nya at nagtitipa na naman sa laptop nya. Kainis.

"Seriously sir, Im sorry. Ano kasi ee, ugh. Hindi naman kasi talaga tama yung mga ginawa ko sa inyo noon" sabi ko.

Hinawakan nya yung noo at yung leeg ko. Yung parang chine-check yung body temperature ko. Pashnea

"Youre sick, right? Do you want me to escort you to the clinic?" Sabi nya. Langya, mukha bang joke lang yun?

"Im serious, Sir" sabi ko sabay tayo. Magwawalkout na ko.

"Okay, okay. Fine" sabi nya sabay tiniklop na yung laptop nya at seryosong nakipagusap sakin.

"Apology accepted" sabi nya.

"Hindi ko makapaniwalang ginagawa ko to" bulong ko.

"May sinasabi ka?" Narinig nya pala.

"Wala, ano. Ugh. Sabi ko, ano. Basta" Nagsstammer ako. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko.

"Ano?" Tanong nya. Langya yung tingin nyang yun? Bakit hinubad nya pa yung salamin nya?  Tas medyo fierce yung pagkakatingin nya sakin. Jusko, marupok ako. Rumurupok talaga ko sa demonyong to.

"Hindi ka naman talaga masamang tao diba?" Tanong ko.

Facepalm.

Hutaena, kriminal ba si Randy? Ang lame ng tanong ko. Pakshet.

"Hahahahahaha. Ano?" Natatawang sagot nya. Tae. Sabi na ee, tatawanan lang ako nito.

"Wala. Sorry, ang lame ng tanong ko" medyo nahihiyang sabi ko. Ang awkward naman kasi talaga.

"Bakit? Sobrang sama ko ba?" Tanong nya.

"Oo" sabi ko. Eto na, bumabalik ang bitchesa tone ko. Naka cross arms pa talaga ko.

The Devil in Suit and Tie [Ang Terror Kong Prof]Where stories live. Discover now