PARA SA WALANG KASIGURADUHAN

86 3 0
                                    

Sige, kapit ka pa. Kapit pa sa relasyon niyong hindi mo alam kung meron ba talaga. "Meron nga ba?" Iyan ang itanong mo sa sarili mo. Meron ba? Siguro'y nalilito ka na. Kung wala, ano pang hinihintay mo? Pag-isipan mo. Tanungin mo. Pag-usapan niyo kung ano ba talaga. Bakit? Kasi kailangan. Kailangan maging maliwanag ang mga bagay-bagay para wala nang nahihintay sa wala. Para wala nang umaasa sa mga pabaya. At para wala nang umiiyak sa 'relasyon' na wala naman talaga.

Madaling sabihin, mahirap gawin. Pero maghihintay ka nalang ba sa kung sino ang uuna sa inyo na magtanong? Sige, maghintayan kayo. Oo, alam ko ang pagiging Dalagang Pilipina at nirerespeto ko iyon. Pero ano ang mali sa pagtatanong, diba? Kung nahihiya kang magtanong, maghanap ka ng paraan. Sabihin mo nang pabiro, mag-Truth or Dare kayo. Para-paraan lang yan, bes.

"Ano kaya ang sasabihin ng mga tao?" Siya lang ang tatanungin mo diba? Bakit nai-envolve ang ibang tao? Look, my point here is, kung mag-uusap kayo privately and he/she respects you, hindi na niya sasabihin sa ibang tao ang pinag-usapan niyo, malaman mo man kung meron o wala talaga. Pero, kung sasabihin niya sa ibang tao tungkol sa pinag-usapan niyo just for the sake of his/her ego, tigilan mo. Sino ba naman ang papayag na ipahiya ka para lang sa ego, 'di ba? But if sinabi niya sa iba dahil proud siya sa 'inyo', then good for the two of you.

Nasa sayo kung pipiliin mo ang isang relasyon na walang kasiguraduhan. Maaaring matapos mong magtanong, sakit o ligaya ang iyong madadama. Maging handa ka, dahil kahit anong oras, maaaring magtapos ang 'relasyon' niyong wala naman talaga.

SULAT PARA SA'YOTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon