CHAPTER 1
...sa bahay nila Bugoy
BUGOY: Kuya alis lang ako ha.(naglakad papalabas ng bahay)
ARRON: Hoy! Saan ka nanaman pupunta?
BUGOY: Basta dyan lang sa labas.
ARRON: Dyan lang sa labas? Hindi mo pa kasi sabihin na raraket nanaman kayo ng mga barkada mo eh. Hoy Avigail! Binabalaan na kita ha, tigil tigilan mo yang pagsama sama mo sa mga barkada mo. Kung ano ano na ang nagagawa mo ng dahil sa mga barkada mong yan. Pati pandurukot eh nagawa mo na.Pag kayo nahuli naku sinasabi ko sayo wala akong pang pyiansa sayo sa prisinto.
JOE: (narinig ang pinaguusapan nila Bugoy at Arron) Avigail, tigil-tigilan mo na nga yan ha! Hindi ka aalis!
BUGOY: Kuya naman eh! At pwede ba wag mo akong tatawagin na Avigail baka masuka ako eh. (at ngumiti sa mga kuya nya)
ARRON: Hindi mo ako makukuha sa mga pangiti-ngiti mo ha! Magtigil ka!
BUGOY: (nagdabog bigla at umupo sa silya) Nakakainis kayo! Alam mo mga kuya imbis na ako pinupuntirya ninyong dalawa, humanap nalang kasi kayo ng mga syota ninyo eh. Ng may pagkaabalahan naman kayong dalawa.
JOE: At kailan pa nasingit at pagkakaroon ng syota sa usapang pagdidisiplina?
BUGOY: (hindi na umimik pa at biglang tumakas ng hindi na nakatingin ang mga kuya nya)
ARRON: Avigail!! Hoy! Bumalik ka nga dito! (kinausap si Joe)Naku! Ang sarap kalbuhin nyang babaeng yan! Napakatigas ng ulo. Igagapos ko yan eh ng hindi na makalabas.
JOE: Naku naman di ka na nasanay dyan! Siguro kung buhay pa sila mama at papa hindi magkakaganyan yan. Hayaan mo syang mahuli tignan lang natin kundi magtanda yang babaeng yan.
....sa may labasan
BUGOY: Oi! Pasensya na at nalate ako, sila kuya kasi ang kukulit!
ESLOVE: Nasermunan ka nanaman ng mga kuya mo noh?
BUGOY: Ano pa nga ba? Ano saan ba raket natin ngayon?
QUEN: Punta kaya tayo sa Mall, maraming tao dun tutal Sabado naman ngayon maraming tao dun ngayong araw na toh! Tiba-tiba tayo dun.
BUGOY: Oh tara na para naman makarami tayo.
BINABASA MO ANG
Opposite Attracts
RomanceSi Avigail kilala rin bilang Bugoy isang babae na may kakaibang pananaw sa buhay. Laki sa hirap at mahilig bumarkada. Palibhasa kasi puro lalaki ang mga kapatid nito kaya pati sya ay tila nagin parang kilos lalaki na din. Dati itong mabait at masunu...