Eh Ganito kase yon :D
Kinikilig ako pag nakikita ko siya...
Naninikip yung Dibdib ko pag nandiyan siya...
Sumisigla ko pag naririnig ko siyang kumanta...
Ideal man ko?? HAHA :D Sobrang layo sa kanya..
LIST OF MY IDEAL MAN.
1. GWAPO
2. MATALINO
3. MAYAMAN
4. SIKAT
5. GENTLEMAN
6. SWEET LOVER and so on and so fort...
May iba naman diyan sa list na yan na napunta sa kanya pero other than that wala na :D
Pero.
Alam mo yung pakiramdam na kaya niyang pabilisin yung tibok ng puso mo.
Kaya niyang pasayahin yung malulungkot na araw mo.
Kaya niyang sabihing ang cute mo kahit alam mo sa sarili mo na ang panget panget mo.
Siya si Lorence :3 Ang CRUSH ko...
Malakas yan mag Dota. Ang lutong lutong palagi magmura.
Di siya gwapo aaminin ko :P pero...
Mabuti siyang tao.
Tinanong ako ng friend ko kung ano ang nagustuhan ko sa kanya..
-_______- sad to say, wala akong naisagot.
Ewan ko
Pakiramdam ko naman di ko kailangang isa isahin ang mga dahilan para magustuhan siya ee.
Dahil pag ginawa ko yun, puro magagandang katangian lang niya lang ang masasabi ko.
At pag ginawa ko yun, edi parang yun lang ang ginusto ko sa kanya..
Alam ko na may gusto siyang iba :) Aware ako na kaya sweet siya kase ganun lang talaga siya.
Di ko naman hinihiling na magustuhan din niya ko ee.
At kahit kelan di ko yun hihilingin..
Masaya na ko na nakikita ko siya, masaya na ko na naririnig ko siyang tumawa.
Masaya na ko na nakakabiruan siya :)
Crush.. Isang Inspirasyon..
Isang tao na magiging dahilan para masabi mong masaya ka.
Isang taong magiging dahilan ng ngiti mo,
Maghahatid ng kakaibang feeling.
Magpapablush sayo...
Isang taong magiging laman ng bawat kwento mo..
Alam ko na hindi habang buhay Crush ko siya,
Pwedeng sa isang iglap lang mawala na..
Pwede ring sa isang iglap lang lumalim pa.
Pero anu man yung kahinatnan ng meron sa nararamdaman ko ngayon...
Alam ko na minsan sa buhay ko,
Nakakilala ako ng tao na naging dahilan kung bakit masaya ko :)