Jazrille's POV
Sunday ngayon at nandito kami ngayon sa Quiapo church kasama si Rae, Cha, Sab, Chiny, Ivan, Jet, Ryan, and iyong kapatid ni Ivan na si Bench. Inis na inis nga si Chiny kasi sinama pa daw si Bench pagsisimba. Hahaha! Wala na din naman syang nagawa. So yun, nandito kami sa church, medyo patapos na ang mass.
"Mag bigayan kayo ng kapayapaan sa isa't isa." Sabi ni father.
"Peace be with you!" Sabi ko kay Rae, Cha, Sab, Chiny, Jet and Ry. Ganyan lang talaga kami. May kiss na kasama.
"Peace be with you Rain!" Isa isa naman nila akong kiniss. Im really blessed to have them.
"Peace be with you mga pare!" Sabi naman ni Ivan kila Jethro.
"Peace be with you sungit." Sabi ng kapatid ni Ivan kay Chiny.
"Tss peace be with you too." Sabi ni Chiny. Hahaha! Nakakatawa talaga tong si Chiny, sinasabayan yun pag kasungit ni Bench.
"Peace be with you Jazrain!" Then he kissed me sa cheeks. Nagulat ako sa ginawa nya. What the hell!?! Hindi naman sya kamag-anak bakit nya iyon ginawa?
"Pe-peace be with you too." Hindi ko inexpect yun ha pero ghaaad! Kilig!
"Wag kang kiligin diyan, halata ka e." Aba! Gago to ah.
"ASA! Hindi ako kinilig no tss." Panira ng moment palagi eh!
"Oo na oo na, maniniwala na lang kahit di naman." After ng mass, pumunta kami ng MOA. Iintayin kasi namin yung sunset. Kumakain muna kami dito sa Max's. As usual nag aaway na naman yun dalawa.
"Ano ba! Ako naunang kumuha niyan eh! Kumuha ka ng iyo!" Sabi ni Chiny habang nakikipaghilahan kay Bench.
"Wala akong pake, ako unang humawak kaya ako ang una!"
"Tss! Akin nga sabi eh!" Ang pinagaagawan po nila ay isang ketchup. Pinagtitinginan na kami dito. Hindi na sila nahiya.
"Ano ba itigil niyo nga yan! Pati ba naman yun bote ng ketchup pinagaawayan niyo?" Inis na tanong ni Jethro dun sa dalawa.
"Eh kasi tong impakto na to! Ako ang nauna eh!" Sabi ni Chiny.
"Ako sabi eh! Ako ang nauna!" Sagot naman ni Bench.
"Edi ayan! Saksak mo sa baga mo!" Grabe talaga tong dalawa. Buti naman tumahimik na sila. Nakakahiya na eh. After namin kumain, naggala gala kami sa loob. Ang sakit na ng paa ko. Naka flats lang naman ako eh.
"Oh, anong nangyayari sayo?" Lumapit sakin sa Ivan, medyo nauuna kasi siya maglakad eh.
"Wala naman." Kahit sa loob loob ko, ang sakit sakit na ng paa ko.
"Eh bakit ganyan itsura mo?"
"Bakit panget ko ba?" Tanong ko sa kanya.
"Hindi yun! Parang nalugi ka dyan." Eh kasi naman ang sakit ng paa ko.
"Wala nga to." Pero hirap na hirap na akong maglakad.
"Tss." Umupo siya sa harap ko. Ano namang balak nito?
"Anong ginagawa mo dyan? Tumayo ka nga." Bigla bigla naman kasing nauupo. Dami dami namang benches dito kung pagod na sya.
"Sasakay ka ba or bubuhatin kita?!" Sabi nya. Nabigla na naman ako pero wala naman akong choice.
"Oo na sasakay na! Ang idiot mo talaga." Kunwari pa ko, gusto ko naman hahahaha.
Hapon na din naman, hindi na masyadong maaraw, so nagpunta na kami sa sea side. Pinagtitinginan nga kami eh, bukod sa naka piggy back ride ako eh sikat kaya si Ivan Ramirez dahil isa syang basketball geek. Umupo kami sa seaside, first time kong manonood ng sunset. At ang kasama ko pa si idiot.
BINABASA MO ANG
My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)
Teen FictionIvan Ramirez, a basketball player, is living the life while he is making his way up through his college basketball career. Until a brokenhearted girl landed on his way who was trying to forget her past love. Start: Dec. 4, 2013 End: September 6, 2014