chapter 24

1.6K 38 0
                                    

Zoe's Point of View

"Mission Complete!yehey! Nagawa natin!"

napagitla ako nang may narinig akong sumigaw sa kwartong hindi masyadong ginagamit dito sa bahay, kilala ko ang boses na iyon, ngunit ang ipinagtatakha ko ay kung bakit kailangan pa nilang magtago



"Shh! Tumahimik ka baka may makarinig sayo"


napa irap naman ako sa kawalan ng marinig ko ang pamilyar na tinig na iyon, kung alam ko lang ay mas malala pa siya kaysa doon sa isa, patuloy pa din ako sa pakikinig habang nakasandal sa pader na malapit sa pintuan, mga baliw talaga.



"Pero nagawa natin!"



napangisi naman ako ng mapagtanto ko kung ano ang pinaguusapan nila, mga abnormal talaga.



"Pinapahanap ba nila kung sino yung stalker nila?"


napailing na lang ako dahil ang lakas ng mga boses nila, ang sabi nila ay huwag mag ingay pero kung magsalita sila ay parang aabot sa kabilang kanto

"Hindi"


gulat naman akong napatingin sa pinto ng kuwarto ng marinig ko ang tinig na iyon, kasali si tanda? hindi ako makapaniwalang kasali siya sa kalokohan ng tropa.




"Kung ganun ligtas tayo"




"Pero pwede pa din naman silang maghanap diba?"

napabuga na lang ako ng hangin dahil sa mga pinag gagawa nila, mga may saltik talaga sa utak, paano ko ba naging kaibigan ang mga ito?



"Nasan yung sim?"

"Nandito pa yung 455 "


tama nga yung hinala ko, sila yung nagpanggap na stalker daw namin, mga abnormal, sa pangalawang pagkakataon ay napailing ako sa mga pinaggagawa nila pero kung iisipin ay isa sila sa naging dahilan para maayos namin ni Kumag ang relasyon namin noon, kung hindi dahil sa kanila ay hindi ko pagsisisihan ang padalos dalos kong pagdedesisyon.




"mga abnormal talaga kayo" nakangising sabi ko pagkabukas na pagkabukas ko ng pintuan, agad naman silang napalingon sa dieksyon ko at kitang kita sa ekspresyon nila ang pagkagulat

" u-uhh Z-zoe?he-he-he"  kinakabahang tugon ni Jane na ngayon ay napapakamot sa ulo


"hayy, iyang mga kalokohan niyo, pagisipan niyo muna ng mabuti bago niyo isagawa" asik ko bago naupo sa katabing silya ni Jonathan, napansin ko namang napapalunok sila habang nakatingin sa akin, nagtatakha ko naman silang tinignan



"pinag isipan kaya namin, hindi naman yun mangyayari kung hindi namin iyon pinagisipan, tignan mo nga oh, kayo na ni Ken" nakangusong tugon ni Hariz, mamimilosopo pa talaga ang bwisit. agad ko naman siyang binato ng susi ang aking sasakyan, saktong tumama sa noo nito



Ang Boyish Kong GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon