One Shot Life

1.2K 36 20
                                    

Binilisan ko ang pagtakbo paakyat ng hagdan. This is a one crazy bullshit life! Binagsak ko ang pinto pagkapasok sa rooftop saka ‘to nilock. “Aaaaaargh!” Tumakbo ako palapit sa harang ng rooftop. “I hate this life! Bakit ba binuhay niyo pa ako kung ganitong buhay lang din ang ibibigay niyo sa akin! Napaka-unfair niyo! At ikaw Diyos ka! Asan ka ngayong kailangan kita!? Aaaargh!” Sumampa ako sa wall at tumayo. “Wala ng nangyaring maganda sa buhay ko! Puro problema na lang ang dumadating!”

Bigla namang may humawak at humatak sa blouse ko kaya nalaglag ako sa sahig ng rooftop.

“Aray!” tinignan ko kung sino ‘yung humatak sa akin. Isang binatang lalaki. Mukhang kasing edad ko lang. Naka-jacket at shades. Tumayo ako, “Bakit mo ba ako hinatak, ha!?” tinulak ko siya sa braso. “Ang epal mo eh, ano!?”

“Ikaw ang epal. Natutulog at nagpapahinga ako dito, bigla bigla kang dadating at magsisisigaw. Tapos magpapakamatay ka pa. Nako, baka mamaya mapagkamalan pa akong tumulak sayo! Kung magpapakamatay ka, dun ka sa ibang building!” sigaw niya din sa akin.

“Bakit, building mo ba ‘to! Ha!? Tsaka teka, studyante ka ba dito!? Bakit hindi ka naka-uniform!? Tsaka bakit nakashades ka!? Labag sa school rules ang pagsuot ng shades sa loob ng school!” Hinablot ko ‘yung shades niya para tanggalin pero pinagtatapik niya ‘yung kamay ko.

“Ano ba!? ‘Wag ka ngang makulit! Umalis ka na dito!” Naglakad siya papunta sa harang ng rooftop.

Lumapit ako sakanya at kinalabit siya sa likod. Hindi naman niya ako nilingon. Nakatingin lang siya sa kalawakan ng school field. “Hoy. Kung ayaw mong masisi sa pagkamatay ko, ikaw na lang ang umalis dito, okay?” Sinampa ko ‘yung isang paa ko sa rooftop wall.

“Makulit ka talaga eh.” Hinawakan niya ‘yung manggas ng uniform ko.

“Ano ba, bitawan mo nga ako!” Tinanggal ko ‘yung pagkakahawak niya sa akin.

“Itigil mo nga ‘yan!” Sinisigawan niya ako pero hindi siya sa akin nakatingin.

“Ayoko!” umupo ako sa may wall. “Ayoko na! Wala naman akong halaga eh! Mabuti pa mawala na lang ako sa mundong ‘to!” Ipinikit ko ang mata ko at dahan dahang tumayo sa wall. Ramdam na ramdam ko ang hampas ng hangin sa katawan ko.

“Ano ba ang problema mo?” mahinahon na sabi ng lalaking nasa tabi ko pa din.

Napadilat ang mata ko. Siya lang. Siya lang ang taong nag-abalang tanungin kung anong problema ko. “Bakit? May magagawa ka ba kung sasabihin ko sayo ang problema ko? Masusulusyunan mo ba, ha?” Hindi niya ako inimik. “Bumagsak ang negosyo ng Daddy ko. May kabit ang Mommy ko. Araw araw nag-aaway ang magulang ko. Mentally retarded ang kapatid ko. Nakipag-break sa akin ang boyfriend ko dahil sa sawang sawa na daw siya sa akin. Puro problema na lang daw ang iniisip ko. Pati mga kaibigan ko sawang sawa na sa pakikinig ng mga problema ko. At ngayon, mukhang mawawala na ang scholarship ko dahil sa puro bagsak kong exams. Now tell me, what’s there to live for in this life?”

“Tss. Ayan lang, magpapakamatay ka na? Weak.”

Napatingin ako sakanya. “Anong sabi mo!?”

“Ang sabi ko, weak ka!” Natakatingin lang siya sa field.

“Aba!” Tumalon ako pababa uli sa sahig para suntukin siya sa braso. “Ang laki ng problema ko sasabihin mong ‘Ayan lang’? Palibhasa kasi hindi ikaw ‘yung may problema! Ikaw kaya magdala nitong problema ko, ha!?”

“Haha. Ang weak mo nga,” sabi niya ng nakatawa.

“Aaargh!” Sinuntok ko uli siya sa braso. “Suntukan na lang tayo, ano!?”

Ngumiti siya ng malaki. Aba nagawa pa niyang ngumiti. “Pakikipagsuntukan lang pala sa akin ang makakapagpabago ng pagpapakamatay mo.” Binaba ko ‘yung nakahanda ko ng sumuntok na kamay. “You really don’t see life’s worth and color,” nakangiti niyang sabi.

“Ano bang pinagsasabe mo?” inis na tanong ko.

“Bumagsak ang negosyo ng Daddy mo. May kabit ang Mommy mo. Araw-araw silang nag-aaway. Sila ang may problema, hindi ikaw. Mentally retarded and kapatid mo. Pero mukhang mas mentally retarded ka pa dahil kung ano anong pumapasok sa kukote mo at magpapakamatay ka pa. Sawang sawa na ang boyfriend at mga kaibigan mo sa mga kwentong problema mo. Then they’re not your true friends. They are worthless. Dahil ang tunay na kaibigan, hindi lang sa saya ka dadamayan. Kundi pati na rin sa lungkot. Mawawala na ang scholarship mo? Sino ang may kasalanan? Hindi ba ikaw? Kase, nagpaapekto ka sa problema mo. You let your problems overtake and rule you. As to what the recent book my bestfriend told me, it should be, ‘You have problems. But problems don’t have you.’”

Nanlambot ‘yung puso ko ng marinig siya. Wow. Nakinig talaga siya sa mga sinabe ko kanina. “What are you? A priest?” sarkastiko kong tanong.

“No. I’m just a simple teenager. Ang pinagkaiba lang, bulag at may sakit ako,” sinabe niya ng nakangiti.

Napatitig ako sakanya. Naghihintay ng sagot sa reaksyon kong ‘seryoso ka?’

“You heard it right. Bulag ako.”

“Pero… pano?”

“Paano ko nalaman na magpapakamatay ka? Paano kita nahatak? Paano ko nalaman kung nasaan ka? Miss, bulag lang ako. Pero nakakaramdam at nakakarinig ako.” Tinanggal niya ang shades niya. “I wear ocular prosthesis. An artificial eyes. Still, it doesn’t provide vision. I’m totally blind because of an accident,” tumingin siya sa akin pero hindi nagtama ang mata namin. “Plus, I have a terminal heart disease. No surgeries and implants can do a thing about this disease. I’m born with it. Now tell me, what’s there not to live for in this life?” he smiles widely. How can he still smile sa kabila ng mga dinadala niya? “Dahil ba bulag ako at may sakit sa puso I can’t live a life anymore?”

“No,” bulong ko.

“Then ganun din sayo. Lucky you pwede kang makaramdam ng saya at lungkot. Pero ako? Hindi pwede. Too much sadness and happiness can kill me anytime. My father is the owner of this school. We have the money and power. But guess what, you can’t have it all. Because that would be selfishness.”

Hinawakan ko siya sa pisngi. I don’t know but I feel sympathy.

“Dati sumagi na din sa isip ko ang tapusin ang buhay ko. Pero naisip ko, magpapakamatay na lang ako ng walang naiiwan na magandang pangyayari sa buhay ko? Nakagawa na ba ako ng achievement na tatatak sa mundong ‘to? Hahayaan ko na lang bang mawala ‘yung buhay ko eh kung may mga tao nga diyan na nag-aagaw buhay?” sunod sunod niyang tanong. Umiling siya. “Akala mo ba pag nagpakamatay ka matapang ka na dahil lang sa may lakas ka ng loob na gawin ‘yun? No. You’re a coward. Dahil mas pinili mong takasan ang problema mo imbis na harapin ito.”

“You really are a strong teenage boy. Not just a simple teenager.”

“We all have problems. We’re all fighting over something. Nasasayo na lang ‘yan kung mas pipiliin mong maging talunan,” hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya. “You know what’s the big difference between us?”

Umiling ako as if na makikita niya.

“You can see the beauty of the world. But you can’t see the beauty of life. Unlike me. I can’t see what surrounds me. But I can feel it. And by feeling it, by inhaling the love and positivity, by exhaling the bullshits and negativity, I can see the beauty of life. The most beautiful things in life are not always seen by our eyes,” nilagay niya ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya sa kanyang dibdib, “but felt here, in our hearts.” Tumalikod siya sa akin at nagpunta sa gilid ng rooftop. Kinuha niya ‘yung tungkod doon at naglakad na papunta sa pinto. “And one more thing…”  Tumigil siya ng mahawakan na niya ‘yung pinto. “There’s only one shot life. Live it to the fullest. It is better to die wearing a smile. Rather than wearing a frown for the rest of your stay six feet under.”

Lumabas na siya ng rooftop. Hinayaan kong hanginin ang buhok kong tumatama sa aking mukha. Tumingin ako sa kalawakan ng school field kung saan punong puno ng magbabarkada at couples na nagtatawanan. Yeah. I have problems. But problems don’t have me. Inhale positivity. Exhale negativity.

- - -

I used this story as an entry for a writing contest and also for our project. You can watch it at the multimedia side. Thank you for reading! =)

Credits to the rightful owner of the cover I used.

One Shot LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon