12 YEARS AGO
‘’Daddy! Daddy! Punta tayo sa park, please?’’ Ang kulit ko kay Daddy habang nanunuod siya ng tv.
‘’Anak, kakagaling mo lang doon kaninang umaga, gusto mong agad bumalik?’’
‘’E-ehh Daddy, sige na please?’’ With matching beautiful eyes, at halik sa cheeks! Lahat gagawin ko para lang pumayag si Daddy.
‘’Sige na, Hon! Payagan mo na si Isabelle.’’ Bungad ni mommy.
Matagal nagisip si Daddy kung ano ang magiging desisyon niya, hanggang sa pumayag na siya.
Sa sobrang tuwa ko sa sagot ni Daddy, kiniss ko silang dalawa ni Mommy. My parents never fail to make me happy.
‘’Osige na anak, magbihis ka na at papasama nalang kita kay Ate Leila mo okay?’’ Tumango nalang ako kay Mommy, sa sobrang excitement tumakbo akong papunta sa kwarto ko.
‘’Yaya! Nakaready ka na po ba?’’ Si yaya, para ko nang ate. Mahal na mahal ko yang si Yaya e. Napagtiyatiyagahan niya kakulitan ko.
‘’Yes, cupcake! Kanina pako ready. Tara na ‘Nak bago pang dumilim.’’
‘’Oh, anak wag masyadong makulit ah? Be a good girl okay? Mommy and daddy loves you so much!’’ Sabe ni mommy, ‘tas kiniss nila ako sa nuo.
‘’Yes, mommy promise. I love you too, mommy and daddy!’’
Habang naglalakad kame ni yaya papunta sa park. Sa sobrang tuwa ko, na talisod ako sa daan.
‘’Isabelle, dyusko pong bata ka oh!’’ Habang hawak ni yaya un sugat ko sa tuhod.
‘’Tara na, Isabelle. Umuwi na tayo para maigamot yang sugat mo.’’ Habang pinupunas ni yaya ang tumutulong dugo.
‘’Yaya, gusto ko po maglaro sa park. Sige na yaya. Please?!’’ Sabe ko sakanya.
Hanggang sa naiyak ako sa sobrang sakit ng sugat ko.
‘’Isabelle kase tingnan mo sugat mo oh! Kelangan naten yang gamutin para maging okay ka na.’’ Natataranta na si yaya sa mga pangyayare.
‘’P-pero yaya, sige na please?’’
‘’Nako Isabelle, tigilan moko sa ayaw o sa gusto mo uuwi tayo!’’ Since, galit na ang tono ng boses ni yaya pumayag nalang ako na umuwi na kame.
Kinarga nako ni yaya at naglakad na siya pabalik ng bahay.
Pagkabukas ng pintuan….. laking gulat ni Mommy, ‘’Oh Leila, ang aga niyo naman ata umuwi?’’ ang bungad niya.
‘‘Tapos na agad maglaro si Isabelle? Imposible naman un.’’ Sabe ni Daddy.
‘’Kase po, sir…ma’am. Itong si Isabelle na talisod po sa daan. My sugat po tuloy siya sa tuhod. Kaya inuwi ko nalang siya para mai-gamot.’’
‘’Anak naman, you should look where you’re walking, next time. Okay? Leila, pakikuha naman nun Betadine at bulak sa first aid kit ko.’’ Tumakbo si yaya papunta sa kwarto nila Mommy.
‘’Halika ka nga dito, baby.’’ Kinarga ako ni Mommy at pinaupo ako sa lap niya.
Lumapit si Daddy saken at sinabi, ‘’Makulit siguro and Baby Isabelle ko papunta sa park. Kaya ayan may sugat.’’
*sniff* *sniff*
‘’Sorry po, mommy at daddy!’’ At hinug nila ako. Hay, kung hindi siguro ako na talisod edi sana nasa park ako ngayon, naglalaro.
Pagkadating ni yaya hawak ang betadine at bulak. Pinahiga ako ni Mommy at pinunas ang sugat ko. Grabe! Sobrang hapdi! Sa sobrang sakit naiyak ako.
‘’Shh. Baby..Everything will be alright.’’ Sabe ni Mommy.
Habang nililinis ni Mommy, bigla nalang ako nakatulog.
‘’Isabelle! Tara laro tayo ng Hide n’ Seek! Ako taya!’’ Sabe niya.
‘’Osige, gusto ko un!’’ Sabe ko, with excitement.
Pagkalipas ng ilang oras sa paglalaro….
‘’Isabelle, I want you to keep this.’’ Nagulat ako sa sinabe niya. Tska, ano naman ang ibibigay niya?
‘’Ano un?’’ Tanong ko sakanya.
‘’I want you to keep this locket, this will be the key for you to remember me.’’
‘’What do you mean?’’
Hanggang sa….
---------------------------------------------------------------------------------------
AUTHORS NOTE:
Hanggang diyan nalang muna. Katatapos lang ng prelims namen I need reeeest!
Magpapahinga muna ako hihi! Sana magustuhan niyo un kwento!