My Child
“Unga! Unga!”iyak ng isang sanggol na nasa incubator. Tatlong araw palang siya mula nung isinilang sya ng kanyang ina. Nilapitan ko ang sanggol na nasa incubator at binuhat. “Shh.. Wag ka ng umiyak, dadalhin kita sa mommy mo.” Bulong ko sa sanggol at dinala ko na sya sa kanyang nanay. Lumabas ako pero sinilip ko sila. Napakasaya siguro maging nanay ng sarili mong anak. Ganoon rin ba ako kasaya kung hindi ka nawala? Nasaan ka na ba aking anak?
“Alaine! Hindi ba ikaw ang naka-duty na bantayan yung baby na kakasilang palang 3 days ago?”tanong sakin ni Bella. Katrabaho ko sya dito sa ospital. Nurse din sya kagaya ko, parehas kami ng trabaho ang mag-alaga ng mga sanggol na kakasilang palang. “Dinala ko muna sya sa nanay nya.”sagot ko.
Pumunta ako ng canteen para maghapunan ng may isang babaeng maganda na lumapit sa akin at nagtanong, “Ikaw ba si Alaine Mendoza?” tumango ako bilang sagot. Umupo sya sa harapan ko at ngumiti sakin. Kakaiba ang aking pakiramdam sa kanya bakit tila ako kinakabahan? Anong mayroon sa kanya na nagpapakaba sa akin.
“It’s been 3 years since I saw you. Teka! Where’s your baby? I heard nanganak ka 3 years ago.”sabi nya sakin. “Lea, wala na ang anak ko, nawala siya pagkatapos kong ipanganak siya.”nagsimula ng tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Sa tuwing naaalala ko kung anong nangyari noon naiiyak ako.
“Alam ba ito ni Francis?”umiling ako. Si Francis ang asawa ko, nasa America siya at nagtatrabaho. Ngumisi si Lea. Bakit kaya? Mayroon ba syang alam na hindi ko alam? Nagpaalam na sya sakin at umalis na. Napansin ko ring 3 buwan ng walang communication samin ni Francis. Anon a kayang nangyari sa kanya? Sana maayos sya doon.
Lumipas ang mga araw na puro pag-aalaga lang ng bata ang aking ginagawa, minsan pag may nakikita akong mga nanay na may hawak na sanggol ay napapahawak ako sa aking tyan at iniisip na may anak ako sa aking sinakupunan.
Disyembre 24 ngayon, bisperas ng pasko at ako lang mag-isa ang magno-noche Buena sa bahay na ito, naaalala ko ang mga noche Buena na magkasama kami ni Francis. Malungkot ang magiging pasko ko ulit ngayon. Kaunti lang ang aking hinanda dahil baka hindi ko maubos at masayang lang. Ayaw pa naman ni Francis ang nagsasayang ng pagkain dahil maraming tao daw ang nagugutom.
Dumaan ang pasko at wala akong natanggap na bati mula kay Francis, may nangyari kaya sa kanya? Diyos ko po sana wala namang nangyaring masama sa kanya. Ayoko pang ma-biyuda. Hahanapin ko pa ang anak namin ni Francis bago sya umuwi dito. Ayokong magalit sya sakin dahil nawala ko ang aming anak.
“Oy Allaine! Mayroon akong extra na plane ticket papuntang America!”sabi sakin ni Bella. Ngumiti ako sa kanya at sumagot “libre ba yan? Baka mamaya singilin mo ako ha!”pabiro kong sagot sa kanya. “Alaine walang bayad to! Libre! Ayaw mo noon makikita mo na si Francis!”sabi nya. Nakipagtalo pa ako kay Bella, pero sa huli, napapayag nya din ako.
Ngayon na ang alis namin ni Bella papunta sa Idaho, kung saan nagtatrabaho si Francis. Excited ako na medyo kinakabahan dahil after 3 years, makikita ko na ulit sya. Di ko maiwasang mapangiti dahil dito. Ano kayang sasabihin ko sa kanya? Yayakapin ko ba sya? Hahalikan? Bahala na, basta kung ano ang kaya kong gawin pag nasa harap ko na sya! Sana maalis yung hiya ko para hindi ako mahiya pag nakita ko sya.
“Oy! Allaine narinig mo ba, fastened your seatbelt? Aalis na yung plane oh!”sabi nya. Sa sobrang pag-iisip ko, hindi ko na narinig kung ano yung sinasabi ng speaker. “Bella, ilang oras ba ang biyahe papunta don sa Idaho?”tanong ko sa kanya. “Anong oras?! Araw! Isang araw! May stop over pa tayo sa Incheon Airport.”sagot nya. Hindi ko kasi alam, hindi pa ako nakakapunta sa ibang bansa.Hanggang Pilipinas lang ako. “Matulog ka muna kasi malayo pa.”sabi nya tapos pumikit.
“Uwaaahh!!” hinahagod ko ang likod ni Bella. First time lang daw nyang sumakay ng eroplano at nalula daw sya kaya ayun nagsuka. “Ano ayos ka nab a Bella?”tanong ko sa kanya. “Oo, ayos na ako, tara sakay tayo ng taxi.”sabi nya tapos dumeretso sa parahan ng taxi para sumakay. Sa hotel muna kami mag-stay ni Bella dahil pagod na pagod kami at bukas ko na lang pupuntahan si Francis sa pinagtatrabahuhan nyang kompanya.
Kinabukasan ay nagmadali akong umalis ng hotel para puntahan si Francis. Pagkatapos ng ilang minute ay nakarating din ako sa kompanya. Papasok palang ako sa kompanya ng harangin ako ng security guard. “Who are you?”tanong nila. “I’m the wife of Mr. Francis Mendoza.”sagot ko. Nagtawanan lang yung mga guards “Are you kidding us? Mr. Mendoza’s wife is Mrs. Lea Mendoza.”biglang kumirot ang puso ko nung narinig ko iyon, panong nangyari na si Lea ang asawa ni Francis? Eh ako naman talaga ang totoong asawa di ba? “What is the comm—Allaine?”nagulat sya nung nakita nya ako. “Daddy!!! We need to got to mommy now!”sabi nung isang bata na mukhang 3 years old. Tinignan kong mabuti yung bata, pero kamukha nya ako? “Francis anong ibig sabihin nito? Bakit si Lea ang asawa mo? Sino sya? Bakit kamukha ko sya?”sunud-sunod kong tanong kay Francis. “Hindi kita minahal.”sabi nya. Bigla na lang tumulo ang luha mula sa aking mga mata. Hindi nya ako minahal? “Bakit mo pa ako pinakasalan kung hindi mo ako minahal?”tanong ko sa kanya.
“K-kasi baog si Lea, pati peke ang kasal natin!”sagot nya. “S-salamat sa kasal, minahal kita pero wala akong nakuha kahit konting pagmamahal? Sya? Sya ba ang anak ko na nawawala 3 years ago?”tanong ko sa kanya, pinipigilan kong tumulo ang aking mga luha. “Wala! Pinakasalan lang kita dahil gusto kong magkaroon ng anak! At si Lea? Sya talaga ang mahal ko!”sabi nya sakin at tumalikod. “Peke? Kukunin ko ang anak ko sa inyo, dahil dugo ko ang nanalaytay sa kanya!”sigaw ko. Lumapit sa akin yung bata at niyakap ang aking mga tuhod. “Kayo po ba si Ms. Allaine? Bakit ko po kayo kamukha?”tanong nya sakin. Ngumiti ako sa kanya at sumagot. “Ako ang nanay mo, your real mom.”ngumiti sya. “I want to be with you.”napakasaya ko nung narinig ko ang salitang iyon, gusto nya akong makasama? “No! Go to your mom now!”sabi ni Francis sa bata. “No! Daddy, she is my real mom! I heard you! You told mom that if you didn’t fake my DNA! I will be thrown to the Lion’s Den!”sabi nung anak ko tapos hinila ako palabas.
Hindi ko namalayan na hinahabol pala kami ni Francis, sa mga oras na iyon, isa lang ang gusto kong mangyari ang mayakap ang anak ko. Napatigil kami sandal dahil stop pa ang stoplight. Tinanggal ni Francis ang kamay ko sa pagkakahawak sa aking anak. “Anong ginagawa mo Francis?”tanong ko? Bigla nya akong tinulak at napahiga ako sa sahig. Nang tatayo na ako ay may isang 10-wheeler truck ang papalapit sakin. *sccrreecchh*. “Mommy!” “Allaine!” hindi na ako nakatayo dahil sa sobrang kaba. Lumapit sakin si Allyna at niyakap ako. Ang anak ko, masaya ako na kahit sa huling sandal ng hininga ko ay nayakap ko sya. “Allyna.. Gusto mo kantahan kita?”tanong ko sa anak ko. “Opo mommy! But gawin nyo na lang poi yon pag maayos ka na po! Daddy Let’s bring her to hospital!”sabi ni Allyna na umiiyak na. “No, mommy will be okay. Just be good to your daddy.”sabi ko sa kanya. Nahihirapan na akong magsalita pero gusto ko bago ako mamatay ay makantahan ko si Allyna. “Twinkle.. twinkle.. little sta—“
“Mommy are you alright? Please eat this, Please tell God that I want to be with you also.”sabi ni Allyna kay Allaine. 13 years ng patay si Allaine. “Allyna, your dad is waiting for you.”sabi ni Lea dito. Nakulong si Francis dahil pinatay nya si Allaine, naniniwala syang hindi sya pinapatawad ni Allaine dahil sa nagawa nya. At naisip nya lang na ang tamang paraan para mapatawad sya ni Allaine ay ang ipakulong ang sarili nya.