HSP Ch. 15

634 9 1
                                    

HSP Ch. 15

// HARRY's POV //

"So," Inalog niya ang wineglass na may laman na champagne at nagsalita ulit, "Anong plano mo?"

tanong niya sakin ng kaibigan kong si Keano. Isa siya sa mga TOTOO kong kaibigano siguro ipagpalagay na lang natin na SIYA na lang ang natitira totoong kaibigan.

Ngumisi ako sa tanong niya at tumingin sa kanya, "Nag-transfer na ako ng Ross High."

Narinig ko na tumawa siya ng mahina bago magsalita, "Balak mo ba talagang maghiganti?"

Kelangan pa bang tanungin ang bagay na iyon? Tss. Hindi na ako kailangan pang kuwestiyunin patungkol sa bagay na iyon dahil yun naman talaga ang dahilan kung bakit ako ng transfer sa Ross High.

"Oo." tipid kong sagot sa kanya.

"So, ano na nga bang plano mo?" Tanong niya ulit sa'kin.

"Hindi ko pa alam. Pero makakaisip din ako." Tama, wala pa talaga akong naiisip na plano pero eventually, magkakaroon din. Alam ko, alam ko, hindi ako ang Harry na mabait magalang at humble dahil ang lahat ng iyon ay sadyang pagpapakitang tao lang para makaganti sa isang tao.

At yun ay walang iba kung hindi si Sebastian Ross.

"Si Sebastian ang mahal ko! Please! Tigilan mo na ko Harry.." 

Naalala ko pa ang mga sinabi niya sakin nung araw na 'yon. Ang pinakamasakit na araw para sakin.

Siguro ngayon, sayang-saya ka na dahil napalitan na ng ROSS ang apelyido mo. Siguro masaya kayo ngayon, habang ako...

NASASAKTAN.

Dahil sa kanya, nawala ang babaen pinakamamahal ko.

Sisiguraduhin kong babalik sa akin si Natasha.

"Whatever you say, boss." At tumawa siya ng mahina.

Tss. nababaliw na naman siya. Napailing ako nang maisip kong matagal-tagal na naman akong magpapanggap para mapasakin ang gusto ko.

// KINABUKASAN @SCHOOL //

"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh~ HUMAYGAD! Andyan na siya! Andyan na siya!"

"WAAAAAAAH~ Oo nga!! Kuhanin niyo mga camera niyo girls!"

"Hinde! Ako muna kukuha ng picture sa kanya!!"

"Tss. Mad fangirls." Bulong ko na lang sa sarili ko habang naglalakad papasok sa school. At eto, normal na to eh. Mga sigawan, tili, kilig ng mga babae kapag nakikita ako. Hindi ko mawari kung bakit na lang ganyan kalandi ang mga babae sa paligid ko kahit hindi ko naman sila binibigyang atensyon. Tsk! Nakakairita lang kapag puro makakati ang mga nasa paligid mo. -____- Pero wala eh, magpapanggap akong mabait sa loob ng school na 'to.

// KIRA's POV //

"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay mama habang isinusuot ang sapatos ko. At tama, bati na kami ng nanay kong magaling. Biglang nawala ang sumpong niya nung nakita niya si Nathan kahapon. Ayun, bumait na sakin at masasabi ko nang, YEY! Normal na naman! WOO!

At ang mga nangyari kagabi ay sadyang nakakaOP. Hindi ko matiis ang pinaguusapan ng nanay ko at ni Nathan. Hulaan niyo kung ano.

A.) Physics

B.) Adventure Time

C.) DOTA

D.) WATTPAD

-____- Tama kayo, DOTA. Hindi ko talaga maabot ang usapan nila. Kung ano-anong alien language ang binabanggit. 

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon