Jaicy's POV
Napatigil ako sa sinabi n'ya. Taimtim lang s'yang nakatingin sa 'kin at mukhang naghihintay ng sagot. Unti-unting kumabog ang dibdib ko.
Iyan na naman s'ya sa mga biglaan n'yang banat. Bakit iba ang dating sa 'kin ng tanong n'ya? Ako lang ba ang nagbibigay ng malisya ro'n?
Ilang saglit pa kaming nagtitigan nang bigla s'yang tumawa. "Hahah! Got you." Matamis s'yang ngumiti sa 'kin at bumalik sa pag-aayos ng mga artworks n'ya. "I'm just kidding Jaicy," mahinang pahabol n'ya habang kinakalikot ang hawak n'yang kahon. May bakas ng pait sa boses n'ya.
Pinagpatuloy namin ang pag-aayos ng mga gamit n'ya. Nag-away pa kami dahil gusto n'yang itapon 'yong mga letters ng fans n'ya. Ang akin lang naman sana ay basahin n'ya man lang muna bago itapon pero hindi raw s'ya mahilig sa gano'n.
Nalungkot tuloy ako para sa mga fans n'ya. 'Yong iba ay todo effort pa sa paglalagay ng mga stickers at puso.
"Seven years ago pa ang isang 'to oh!" sabi ko sa kanya habang hawak ang isang papel na mukang pinaglumaan na ng panahon.
"I won't open letters unless it's from you," tugon n'ya. Gusto ko sanang kiligin pero nalulungkot talaga ako para sa mga fans n'ya. Hayysst.
Hinatid n'ya 'ko pauwi kahit sobrang lapit lang naman ng bahay ko. Mas inaalala ko pa nga s'ya na mas malaki pa ang posibilidad na makuha ng kung sino. Sigurado akong maluwag s'yang sasama.
"Babye na," paalam ko pero nanatili pa rin s'yang nakatayo sa harapan ko.
"Get inside first then I'll leave."
Napangiti ako sa sinabi n'ya. Hindi ko na pinahaba ang usapan at pumasok na sa loob.
"Good night," nakangiting sabi ko bago sinarado ang pinto. Sinilip ko s'ya sa bintana at nakita kong naglalakad na rin s'ya pabalik sa kanila.
_
Maaga akong nagising. Hindi na ako nagulat nang makita sina Tito sa bahay namin. Kahit kasi ilang taon nang single parent si Tito ay hindi pa rin s'ya sanay magluto.
"Anak? Tawagin mo si Ryu. Kagabi pa hindi kumakain ang batang 'yon." Tumango ako kay Mama.
Hindi pa s'ya kumakain? Ibang klase talaga ang isang 'yon. Balak yata magpakamatay. Kahit irita pa rin ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mag-alala. Kapag nagpatuloy pa 'yang kahibangan n'ya ay magkakasakit na talaga s'ya.
Labag man sa kalooban ko ay pumunta ako sa bahay nila para sunduin s'ya.
Tok! Tok!
"Ryu?" malakas na tawag ko.
Walang sagot.
Awtomatikong bumagsak ang mukha ko. Ito na naman po kami sa pahirapang pagpapakain sa kanya.
Hindi ko na inulit ang pagkatok at basta ko na lang binuksan ang pinto. Agad akong napatakip ng ilong sa sumalubong sa 'king amoy ng sigarilyo. B'wisit na lalaki! Mabibigat ang mga paa kong lumapit kay Ryu. Inagaw ko sa kanya ang hawak n'yang sigarilyo at tinapon sa bintana.
Masama ko s'yang tiningnan. Nanatiling walang emosyon ang mukha n'ya na ikinairita ko lalo.
"Stay out of my business," blangkong sabi n'ya at bumalik sa kama para humilata.
Inis ko s'yang tinitigan. Parang may laser na ang mga mata ko sa sobrang sama ng tingin ko sa kanya. Nakapatong ang braso n'ya sa noo at nakapikit. Wala s'yang suot na damit bukod sa hapit n'yang boxer shorts. Bakat na bakat ang alaga n'ya ro'n pero hindi ko na nagawang libangin ang maharot kong pag-iisip dahil sa asar sa kanya. Stay out of my business? Parang walang pinagsamahan ah.
"Sumabay ka ng breakfast sa 'min." Hindi s'ya umimik.
"Ryu ano ba!" Napapadyak ako sa sementadong sahig nila. Hindi pa rin n'ya 'ko pinansin kaya asar akong lumapit sa kanya para tanggalin ang nakaharang na braso n'ya sa mukha.
"Fuck!" mura n'ya nang tumama ang sinag ng araw sa mata n'ya. Galit s'yang tumingin sa 'kin pero hindi ako nagpatinag.
"Bumangon ka na kasi. Hindi kita titigilan hangga't hindi ka sumasama sa 'kin!"
Galit pa rin s'yang nakatingin sa 'kin at gano'n din ako sa kanya. Ramdam ko ang init ng mukha ko sa sobrang asar. Sobrang kunot naman ang noo n'ya.
Bumaba ang tingin n'ya sa suot kong sando. Kakagising ko lang kanina kaya hindi pa ako nakapagpalit ng damit. Mahigit limang segundo rin s'yang nakatingin don bago umiling na parang may winawaksi sa isip n'ya.
"Huy!" muling tawag ko. Umupo ako sa tabi n'ya at ilang ulit na inalog ang hita n'ya. Ramdam ko ang pagtusok ng ilang buhok n'ya sa maliit kong kamay.
Impit akong napatili nang mahigpit n'yang hawakan ang pulso ko. Mabilis s'yang umupo at sinamaan ako ng tingin.
"I said leave," mariing utos n'ya. Puno ng emosyon ang tsokolateng mga mata. Magkarugtong ang makapal na mga kilay. Nag-iigting ang matulis na panga.
Hindi ko maiwasang mamangha sa g'wapong mukha n'ya. Para s'yang liyon na handa akong lapain oras na sumuway pa ako sa kanya.
Muli na namang naligaw ang mga mata n'ya papunta sa leeg ko. Namumuo na ang pawis sa noo n'ya. Ramdam ko ang paghigpit ng kapit n'ya sa pulso ko. Unti-unti akong nakaramdam ng kakaiba.
Bumaba ang tingin n'ya sa collarbones ko. Pakiramdam ko ay mababali na ang pulso ko sa sobrang higpit ng kapit n'ya rito.
"Ryu..." mahinang daing ko. Naglabasan ang mga ugat sa leeg n'ya.
"Ryu masakit!" daing ko at pilit na inagaw ang kamay ko sa kanya. Mukhang natauhan naman s'ya at binitawan ako.
Saktong bumukas ang pinto at pumasok si Prince. Maamo s'yang tumingin sa 'kin at kay Ryu. Bakit s'ya nandito?
Biglang sumeryoso ang mukha n'ya nang makita ang itsura ng galit na kapatid at ang pulso kong namumula.
"Bumaba na tayo," striktong utos n'ya at tumingin sa gawi ko. Hindi na 'ko umapela at sumunod na lang. Dinala n'ya ako sa kusina at binigyan ng tubig. Hindi ko alam kung ano'ng meron sa tubig at iyon ang lagi nilang binibigay sa 'kin. May magic ba 'to? Kayang magpakalma at magpawala ng sakit?
Kinuha n'ya ang kanang pulso ko at pinagmasdan. Bakas sa mata n'ya ang pag-aalala. Halos bumakat ang kamay ni Ryu sa balat ko.
"Nag-away ba kayo?" malumanay na tanong n'ya. Napangiti ako nang hipan n'ya ang pulso ko.
Sa sugat lang 'yon ginagawa. Jusko talaga ang lalaking ito.
"Pinipilit ko kasi s'yang sumabay sa 'tin kaso mukhang ayaw n'ya talaga," mapaklang sagot ko. Tumaas ang tingin n'ya sa 'kin.
"Masakit ba ang wrist mo?"
Dahan-dahan akong tumango at umiling. "Medyo pero 'di naman gano'n kalala. Mawawala rin 'yan," nakangiting sagot ko.
"Gusto mo i-kiss ko?" inosenteng tanong n'ya. Napangiti ako sa sinabi n'ya. Ninanakaw n'ya ang linyahan ko no'ng mga bata pa kami.
Lagi kasi s'yang nagkakaro'n ng maliliit na sugat no'n dahil sa sa pagiging clumsy n'ya. Tapos binubudol ko s'ya na nakagagaling ang kiss. 'Yon kasi ang sabi ni Lei sa 'kin kaya pinasa ko sa kanya.
Nanlaki ang mata ko nang maalala ko ang ginawa n'ya no'ng mga bata pa kami. Hindi ko nga pala napaliwanag ng ayos na sa sugat dapat ang halik at hindi sa labi!
Huli na para pigilan s'ya. Wala na akong nagawa nang idikit n'ya ang labi n'ya sa labi ko.
BINABASA MO ANG
Art Of The Devil (Devil Series #1)
RomanceWARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous discreet gay reunites with his three insatiably hot childhood friends. _________ Originally written by LunaticPessimist. Book cover by Urakumu Aero