Sumpa

2.9K 21 1
                                    


Nagwowork sa Manila si Zyren kaya hindi pa kami nagkikita. Tanging picture nia lang sa Fb ang nakita ko cute naman sya sa tingin ko.

After 2 months umuwe sya at pumunta sa bahay. 2 days sya dito sa bahay at pagkatapos ako naman ang isinama nia sa kanila.

First empression ko sa kanya tahimik,mahinhin at mahiyain.
Maliit lang sya mas matangkad pa ako kahit mas matanda sya sakin atay dimple sya sa pisnge..Yun daw nagpapacute sa kanya pero cute naman sya talaga.
Pero sa ikli palang ng panahon na nakasama ko sya hindi ko na agad gysto yung ugali nya.
Masyadong mataas ang tingin sa sarili at isa pa masyadong malibog.
Sa kabila pala ng pagiging mahinhin nya may itinatagong kakaiba kaya na turn off ako sa kanya.

Nung una kaming magkasama sya yung pursigido na may mangyare samin at sya ang unang gumawa ng da moves.
Ok lang sana sakin yun kaso halos ayaw na ako patulugin kahit pagod na ako gusto pa nya at kahit madaling araw ginigising ako para paligayahin sya. Kahit antok na antok pa ako wala ako magawa kundi gawin yun.

At nung isinama nya ako sa kanila medyo bundok kasi dun kaya kakapagod umakyat at maglakad.
Pagod na pagod ako nun dahil mahigit 2 kilometro ang nilakad namin kaya nung matutulog na kami bigla ako tumalikod sa kanya dahil gusto ko na matulog pero nagalit sya kasi bakit daw ako nakatalikod at gusto nya na may mangyari pa samin kaya pinagbigyan ko nalang dahil sa kanila ako nakatuloy.
After 2 days umuwi na ako kahit ayaw nya pa ako paalisin.
Bumalik na din sya sa manila sa work nya.

Habang tumatagal ang relasyon namin tuluyan ng nawawala yung gana ko sa kanya ,hindi ko na talaga kayang pakisamahan sya at magpanggap na gusto ko din sya kasi sa totoo lang wala akong naramdamang kilig nung unang nagkita kami.

Pinagtapat ko na na hindi ko na sya mahal pero ayaw nya pumayag na maghiwalay kami. Pinagbabantaan pa ako na magpapakamatay sya at isasama nya daw ako kaya natakot ako at hindi ko na pinilit na makipagbreak sa kanya.
Pero may bestfriend ako at sinabi ko sa kanya ang lahat kaya nagalit sya ng sobra kay zyren at sinabing tutulungan nya daw ako.
Shaineth ang pangalan ng bestfriend ko at nagpanggap kami na magsyota na kami para pumayag na si zyren makipagbreak. Nagkatext yung dalwa at nag away sila at sinabi ni shaineth na tigilan na ako ni zyren dahil sya na ang mahal ko. Pero nagmatigas parin si zyren at hindi pumayag at pinagpipilitan parin na magpapakamatay sya pag iniwan ko sya. Isinumpa pa ako na hindi lang isa kundi tatlong beses akong masasaktan kapag iniwan ko sya.
Isang linggo na ang lumipas at hindi ko sinasagot ang mga tawag at text nya kaya napag isip isip nadin nya siguro na hindi ko na talaga sya mahal.
Tinext nya ako na papayag na sya makipagbreak sakin pero sa isang kondisyon pumayag daw ako na makasama nya ako sa christmas at dito sya matutulog sa bahay at pagkatapos daw nun hindi na sya mangumgulit kaya pumayag narin ako para matapos na.

Makalipas ang ilang linggo hindi na nangungulit si Zyren dahil sa deal namin na titigilan na nya ako. Pero iniisip ko kung anu gagawin ko pag pumunta na sya dito sa pasko at dito pa matutulog pero isang gabi lang naman para na din naman tuluyan na kaming magkawalaan.

Nagkaroon ulit kami ng kontak ng ex kong si Shiela. May program sa school nila at niyaya nya akong pumunta doon at pinagbigyan ko naman sya.
Sa room lang nila kami nagtigil at hindi nanuod ng program pero madami din namang mga kaklase nya ang nasa room at meron din mga magsyota na nakatambay doon.
Magkatabi kami ni shiela sa upuan at nagkukwentuhan at tinutukso sya ngga kaklase nya na magsyota daw kami pero tumatawa lang sya.
Hinawakan ko ang kamay nya at may naramdaman akong kuryente sa katawan ko at tingin ko gusto ko syang halikan pero diko naman ginawa dahil hindi naman kami. Magkaholding hands lang kami at hindi naman nya tinatanggal kaya siguro gusto nya din.
Sabay na kaming umuwi ng hapon at araw araw nadin kaming magkatext at isang araw nagshare sya ng problema sakin. Iniwan daw sya ng bf nya at hanggang ngayon mahal parin nya..sabi ko sa kanya tutulungan ko sya mag move on kung papayag syang maging kami kahit rebound lang ako. Nung una ayaw nyang pumayag dahil ayaw daw nya ako masaktan pero pinilit ko parin sya kaya pumayag din sya.
Araw araw lagi akong may sweet good morning text sa kanya at lagi ko sya pinapaalalahanan kumain at mag ingat, kaya isang linggo na kami sabi nya nahuhulog na daw loob nya sakin at totoo na daw nararamdaman nya para sakin. Sobrang saya ko non dahil mahal narin nya ako.
Balak sana nyang pumunta sa bahay pagkatapos ng klase nya kaso umulan ng malakas kaya hindi na sya tumuloy at bukas na lang daw.
Kinabukasan kinansela naman ang pasok ng lahat dahil may bagyo daw na paparating Nona ang pangalan ng bagyo.
Kinaumagahan nagsimula ng humagupit ang bagyo at palakas ito ng palakas hanggang sa mawasak lahat ng bahay at kasama rin ang bahay namin pero natira ang kwarto ko kaya dun kami nagsamasama ng pamilya ko. Sobrang nag aalala ako nun kay shiela dahil nakikita kong halos lahat ng bahay wasak na kaya tinext ko sya. Nagreply naman sya na ok naman daw sila pero nawasak din ang bahay nila dahil nadaganan ng puno pero panatag na yung loob ko dahil maayos sila ng pamilya nya.
Dalawang araw bago humupa ang bagyo, nawalan ng kuryente sa buong bayan dahil tumba ang mga poste kaya hindi ako makapagcharge ng cp at ibinalitang 2 buwan pa bago magkakakuryente. Generator lang ang gamit nila para makargahan ang mga cp at flashlight at may bayad ito.
Isang linggo na ang lumipas gusto ko ng malaman ang kalagayan ni Shiela kaya nagpacharge ako ng cp at tinext ko sya agad at tinawagan pero hindi nya sinasagot ang tawag ko.
Ilang beses ko paring sinubukan hanggang sagutin na nya at masaya ako dahil narinig ko na ang boses nya. Pero napansin ko na may nagbago sa kanya kung pano nya ako kausapin parang wala lang ako sa kanya kaya tinanung ko kung may problema at inamin nya sakin na nagkabalikan na sila ng ex nya kaya nagbreak din kami ng araw na yun. Naging maayos naman ang paghihiwalay namin naging magkaibigan kami. Masakit sakin na ganun ang nangyare dahil umasa ako na mahal na rin nya ako pero yung ex nya parin pala.

Minsan nagtetext parin sakin si zyren at pinapaalala yung deal namin pero diko nirereplayan dahil wala ako panahon para isipin yun dahil pinoproblema ko yung nangyare samin na nawalan ng tirahan at nag momove on din ako kay Shiela.

I Found You (Tagalog Lesbian Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon