|| 05 ||

23 3 0
                                    

Pumasok na ko sa school dahil malelate na ko. Di daw ba ko patulugin ni Jimin? Masyado niyang inoccupy yung isip ko. Same old, same old. Wala namang bago sa araw na to. I bought foods in the canteen at dumiretso na sa graden para tumambay. Pero hindi pa ko nakakapunta sa pwesto ko ay nakita ko na si Jimin na nakaupo dun habang nakangiti sakin. Tumalikod na ko para umalis pero binagalan ko lang dahil malay ba natin baka pigilan niya ko diba? Pero ng walang dumating na Jimin, nilingon ko siya at nakita kong tatawa tawa. Tss peste, peste, isa siyang malaking peste hmp.

Naglakad na ko, yung normal na lakad na ha, nakakainis eh. Tss sinasayang ko lang oras ko sa kanya. Pero nagulat ako ng may biglang bumuhat sakin.

"AAAAHHHHH." Sigaw ko dahil muntik ng malaglag yung puso ko dahil sa gulat. Bwisit tong lalaking to bwisit.

"Ugh i hate you talaga Park Jimin, mamatay ka na huhuhuhu." Nang hindi siya nagreact ay tinignan ko siya at baka wala na siya dun. Nakita ko siyang nakangiti ng malungkot sakin, may nasabi ba kong masama?

"Huwag ka ngang ganyan, nakakatakot ka." Binaba na niya ko ng marating namin yung usual seat ko at nagulat ako ng bigla siyang lumapit sakin at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Luh?

"Namiss kita alam mo ba yun?" Syempre hindi, tagal mong nawala eh. Pero ano daw? Miss niya na ko. Mwehehehe bat ako kinikilig hehehe.

"At bakit mo naman sinasabi ngayon yan ha?" Hinawakan niya den ang dalawang kamay ko.

"Gusto ko den marinig mula sayo na miss mo na ko..." What? nakadrugs ba to? "Namiss mo ba ko ha? Alisa?"

"Oh ano naman kung sabihin kong namiss kita? May mapapala ba ko dun ha?"

"Hmm, pag sinabi mo yun hinding hindi na ko mawawala sa tabi mo." Imbes na kiligin ako ay mas nangibabaw sa puso ko ang kalungkutan sa boses niya.

"Bakit ka ba kasi nawala? Alam mo bang nag-alala ako sayo ha? Simula kasi nung hinimatay ako hindi ka na nagpakita hmp."

"Hahaha sorry na nga eh, kailangan ko lang talaga umalis ng mga panahong yun, at may inasikaso lang ako. Sorry na ha."

"Wag mo nang uulitin yun ha. Hindi na talaga kita papansinin pag umalis ka na naman." He chuckled.

"Opo, boss masusunod." Sinandal ko din ang ulo ko sa ulo niyang nakalagay pa rin sa balikat ko. It feels so warm and peaceful. Tahimik lang kami pero masarap sa pakiramdam.

"Jimin..."

"Hmm?"

"Namiss din kita..."

Pagkasabing pagkasabi ko nun ay inangat niya ang paningin niya sakin. Nang magtama ang paningin namin ay biglang tumulo ang luha sa mata niya. Agad naman akong nataranta. Jusq ganito pala tong lalaking to pag nakakamiss.

"Hala Jimin bat ka umiiyak? Tumigil ka nga, pag ako naiyak din sasapakin kita." Sabi ko habang pinupunasan ang mga luha sa psingi niya.

"Uy tahan na, hindi ko alam kung ano gagawin ko sayo."

"Haha masaya lang ako dahil namimiss mo rin pala ko, ang saya saya ko Alisa." Niyakap niya ko ng sobrang higpit na para bang ayaw na niya kong pakawalan. Niyakap ko rin siya dahil ang tagal tagal ko na siyang gustong yakapin.

"Bakit ba napakaemosyonal mo ngayon? Feel ko tuloy aalis ka na naman. Feel ko iiwan mo na naman ako." Humiwalay na siya sa yakap at tumingin ulit sakin pero wala ng luha sa mata niya.

"Tss wag mo ngang isipin yun, mas lalo ka lang malulungkot at ayoko ng ganun noh. Basta lagi mong iisipin na nasa tabi mo lang ako palagi ha, kahit anong mangyari. Im just one call away..." Nginitian ko lang siya at nilagay ko naman ang ulo ko sa balikat niya. Mwehehehehe kami na ba? Myghaaaddd. Lol ano ba tong iniisip ko? Whahahahaha nababaliw na ko. Hindi ko pala kayang tiisin tong lalaking to.

*****

"Alisa, gising na uy."

Narinig ko ang boses ni Jimin kaya dinilat ko na ang mata ko. Nakatulog pala ko. Shocks may klase pa pala ko. Jusq kaya nga ako nandito sa school para mag-aral pero nasan ako ngayon? Nakasandal sa balikat ni Jimin. Myghad.

"Jimin anong oras na? Gosh may klase pa ko babye na."

"Alisaaa."

"Jimin kailangan ko ng umalis, malelate na ko. Mamaya nalang."

"Alisa sandali..."

"Pero Jimin--" Bigla akong napahinto sa pagsasalita dahil hinatak niya ko at napaupo ako sa lap niya. Shocks ang lapit namin jusq. May karera na naman ata sa dibdib ko.

"J-Jimin, k-kailangan ko ng u-umalis....."

"Shh dami mong sinasabi eh. Wala ka ng klase okay, tignan mo oh, wala ng tao." Tinignan ko ang paligid at tama nga siya , wala ng tao. Huhuhuhu so absent ako ngayon araw?

"Aarrgghhh bat di mo ko ginising, may quiz kami kanina eh hindi tuloy ako nakapasok. Huhuhu lagot ako." Tinawanan lang ako ni Jimin, tignan mo to.

"Minsan ka lang naman umabsent kaya hayaan mo na, eh ito minsan ka lang makaupo sa lap ko." Kinindatan niya ko kaya dahilan para mamula ang pisngi ko. Tsk iba na to.

Pinagpapalo ko siya dahil sa kapilyuhan niya. "Baliw. Baliw ka."

"Nakoo alam ko namang kinilig ka sa sinabi ko, wag mo ng pigilan, sige na. Ako lang naman ang makakakita." Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko. Mas lalo tuloy uminit yung pisngi ko. Si Jimin lang nakakagawa na to. Hehehehe.

"Ewan ko sayo, halika na nga. Hatid mo ko samin. Bilis." Nung una ayaw niya pa kong paalisin sa lap niya pero hinatak ko na siya para makauwi nako. "Halika na." Aya ko sa kanya. "Hahahaha ito na, ito na."

Habang naglalakad kami ay bigla niyang hinawakan ang kamay ko. It feels great holding his hand. I feel secured. Nang makarating kami sa bahay ay binitawan na din niya yung kamay ko. Parang biglang may kumurot sa dibdib ko. Aalis na kasi siya at natatakot ako na baka hindi na naman siya magpakita. Bago pa ko pumasok ay niyakap ko siya ng sobrang higpit. Alam kong nagulat siya pero wala akong pakialam.

"Wag ka ng mawawala ha, gusto ko paggising ko sa umaga alam kong nandiyan ka lang sa paligid ko. Promise me that araseo?"

"Dont worry, i will always be by your side. That's a promise." Humiwalay na ko sa kanya at baka may makakita pa sa amin. Alam ko namang wala kaming relasyon o kung ano pa man mwehehehehehe pero sapat na kung anong meron samin ngayon hihihihi kinilig naman ako wait lang.

"Sige na papasok na ko. Babye."

Bago pa ko pumasok ng bahay ay tinawag niya ko.

"Alisa."

"Hmm?"

Nginitian niya lang ako ng sobrang tamis. Nabaliw na talaga tong isang to. Nabaliw sakin mwehehehehehehe. Okay ayoko na. Nagsimula na siyang maglakad nung sumigaw ako.

"Baliw." Narinig ko naman ang mahina niyang tawa.

****

Since masaya ako ngayon HAHAHAHAHA dalawang beses na ko maga-update hehehe. Pero asdhjklhdfml mwehehehe too much feels. Feel ko tuloy ako si Alisa hahaha jimin why? Wait kinikilig ako tama na. mwehehe! Leave your reactions on the comment box, and please vote too i love ya'll.

- Nyxx :)

Butterfly ( Jimin's Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon