|| 08 ||

33 3 0
                                    

"Jimin im sorry, mianhae.." Sabi ko ng hindi pa rin tumitigil ang mga luha sa mata ko. Fuck.

"Alisa dont blame yourself... walang may gusto sa nangyari."

"No Jimin, ng dahil sakin kaya tayo naaksidente, ng dahil sakin kaya ka namatay and i will never forgive myself because of that."

"Alisa hindi naman ako nagalit eh, kahit kailan hindi ako nagalit sayo." And that hurts even more. Yung ayos lang sa kanya pero para sakin hindi.

"No Jimin we could've live together, we could've save each other pero bakit... bakit ka namatay? bakit mo ko iniwan?"
He smiled bitterly at me. Shit.

"You once told me, maybe you're destined to suffer, you're destined to lose your memory. I thought, maybe... im destined to die too." At mas lalo pang bumuhos ang mga luha sa mata ko. How is this even possible? How can he say such things like this?

"No Jimin hindi pwedeng patay ka na. Bakit hindi ka lumaban? Bakit mo ko iniwan? Bakit?"

"I tried Ali. But I didn't survive. I could have live longer pero hindi na kaya ng katawan ko. I want to live.. for myself, for you, for us..." Naiyak na rin siya. How can this precious angel cry in front of me.

"Im sorry Jimin, forgive me..."

"Stop saying sorry Alisa, this is not your fault. Wag mong sisihin ang sarili mo..."

"Pero Jimin paano ko matatanggap na dahil sakin kaya ka napahamak? Kahit hindi ko ginusto yun ako pa rin ang dahilan Jimin. Dapat ako nalang ang namatay..." Nang sabihin ko yun ay bigla niya akong niyakap. His warmth, his touch, his hug i will never forget those until my last breath.

"Wag mong sabihin yan Alisa. Kung ako din ang papipiliin, mas gugustuhin ko ng mamatay kaysa ikaw ang mapahamak. Hindi ko kakayanin yun. Hindi ko kayang mawala ka Alisa. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa mabuhay ng wala ka sa tabi ko. Alam kong malakas ka... ikaw makakahanap ka pa ng ibang magmamahal sayo higit pa sa pagmamahal na binigay ko. Pwede ka pang sumaya habang nabubuhay ka. Kaya mong mabuhay ng wala ako..." Humiwalay ako sa kanya dahil sa mga pinagsasabi niya. Is he crazy?

"Hindi yan totoo, hindi ko kaya ng wala ka, hindi ko kayang ipagpatuloy yung buhay ko na alam kong patay ka na Jimin, hindi ko kaya."

"Kaya mo Alisa, nakaya mo na. Isang taon mo na kong kinalimutan at nakaya mo, nabuhay kang mag-isa na wala ako.."

"Pero ibang kaso yun, may amnesia ako. Hindi ko gustong kalimutan ka Jimin."

"Edi kalimutan mo na ko ngayon, hindi ko kayang umalis sa mundong to na alam kong galit ka sa sarili mo. Kalimutan mo na lahat ng nangyari para sa ikatatahimik ng puso mo." Hiniwalay niya ko sa pagkakayakap. At parang dinudurog ang puso ko sa mga sinasabi niya.

"Jimin..."

"I must leave now, Alisa." Parang tumigil ang mundo ko sa sinabi niya. Aalis na naman siya? Hindi ba pwedeng dito na lang siya sa tabi ko? Bakit kailangan niya pang umalis? Bakit kailangan niya pa ulit akong saktan?

"What? Bakit?"

"Kailangan ko ng umalis. Tapos na ang trabaho ko. Wala na kong unfinished business dito. Ang hiniling ko lang naman ay magising ka. Pero nalaman kong nagka-amnesia ka, humingi pa ko ng konting panahon. Yun yung mga panahon na hindi ako nagpakita sayo. Im sorry. And the scar?" Tinuro niya yung cut sa braso niya na akala ko ay galing sa mga lalaking tumatakbo sa hallway dati. "Its from the accident. Gusto ko maalala mo ko bago ako umalis, gusto ko maalala mo kung gaano kita kamahal, gusto kong maalala mong kahit ano gagawin ko para sayo. Kasi mahal kita, mahal na mahal kita Alisa. At hindi kaya ng puso ko na makalimutan mo lahat ng yun..."

Butterfly ( Jimin's Short Story )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon