CHAPTER 10

267 11 4
                                    

PWD.

Kate.

Ba't ba siya nandito? Parang kanina okey naman siya dun room ah? Wala naman akong nakikitang dahilan para ma-detention siya.

"Ba't ka ba nandito?" tanong ko.

May binulong siya and for the second time, hindi ko nanaman narinig ang sinabi niya.

"Pwede mo bang lakasan ang boses mo? Di ko marinig eh" actually naiirita na talaga ako.

Why? First, hindi ko alam kung bakit nandito siya. Second, hindi ko marining ang pinang sasabi niya!

"Sabi ko, maganda ka sana, kaso member naman ng PWD" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Ako? May PWD? Disability? Ako?

"Hahaha!" sabay kaming natawa sa sarili naming kabaliwan.

Kahit anong pigil ang gawin ko ay hindi ko parin maiwasang matawa.

Napatigil ako sa pagtatawa at pinag masdan lang si Majimbo habang tumatawa.

Hmm...he looks good when he smiles.

Umiwas ako ng tingin sakanya saka pinag patuloy ang pag da-drawing sa pisara.

Nag side view ako ng konti, oo konti lang talaga. Kitang-kita ko talaga sa peripheral vision ko na nakatingin siya sakin.

Ano bang problema ng Majimbo na to!???







Seik.

Damn it! Hindi ko talaga mapigilang mapatingin sakanya!

Well, yeah. Nakatingin ako ngayon sakanya.

Muntik na nga akong matumba ng bigla siyang nag side view ng konti, akala ko titingin na siya sakin.

Hindi ko alam kung bakit pero parang iba ang pakiramdam ko. Parang..

Ang gaan sa pakiramdam pag nakatingin lang ako sakanya.

Napailing nalang ako sa sinabi ko. Hindi ko dapat iniisip to eh! Im fuckin' insane, dapat pag lalaruan ko lang siya eh!

Yes. Pag lalaruan ko lang dapat siya, siya kasi yung napili kong bibiktimahin this month or should I say, this year.

Hindi alam nina Jinx, Sid, Ezi at Skipper na si Berry ang biktima ko. Ang alam lang nila ay si Stennah ang bibiktimahin ko. Hindi naman kasi lahat ay kailangan kong sabihin.

May plastic bottle sa harap ko, wala akong magawa kaya sinipa ko yun. At saktong-sakto naman na tumama sa...

"Aray ang puwet ko!" sigaw ni Berry. Nanlaki ang mata ko sa gulat pero hindi ko rin maiwasan ang matawa ng malakas!

Lumapit siya sakin saka hinawakan ang kuwelyo ko. Napatingin ako sa mga mata niya.

I smirked. That's right. Stare at me.

"Gago" panimula niya. "Kung may problema ka sakin, sabihin mo."

Hindi ako nag patalo sakaniya. Hinawakan ko ang kamay niyang nakahawak sa kwelyo ko.

Her waved tip hair suits her.

Parang may kung anong dumaloy na kuryente mula sa kamay niya papunta sa kamay ko.

Agad kong inalis ang kamay niya sa kuwelyo ko. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Hmm...okay naman pala.

"What the fuck!?" I exclaimed nung binato niya sa ulo ko ang plastic bottle.

"Quits na!" sigaw niya at nag patuloy sa pag da-drawing.

"Foul yun eh!" sigaw ko. "Pano kung natamaan ang gwapo kong mukha?"

"Feeling ka din eh no?"

"Pogi naman." Napatingin siya sa sakin. She rolled eyes, again. Nginitian ko siya ng nakakaasar at kinindatan.

Matangay ka sa pogi powers ko dre!

Tumingin siya sakin na parang diring-diri. Tss, mas malinis pa nga siguro ako sakanya eh.

Wala ng nag lakas ng loob na mag salita saamin. Kaya nag pasiya akong yayain siyang kumain.

"Oy" tawag ko sakanya pero hindi siya lumingon.

"Stoy" hindi paren.

"Hoy!" hindi paren.

Punyeta isang tawag nalang! "Oy----"

"Kingina ang ingay! Sino bang tinatawag mo!?" pag putol niya sa sinabi ko, this time naka tingin na siya sakin.

"May ipa pa bang tao dito maliban sa ating dalawa?" sarkastiko kong tanong.

"Malay ko ba kung may kinakausap kang hindi ko nakikit---!?" 

Hinila ko siya at hindi na pinatapos sa pag sasalita, "Ba't mo ba ako hinihila! Bitawan mo nga ako!" Sigaw niya sakin pero hindi ko siya pinansin.

Hinila ko siya papuntang canteen. Ang dami pa kasing tanong eh. 

"Stay there." sabi ko.

"Anong stay there!?? Hoy hindi mo 'ko aso!"

"Bibili ako."

"Iiwan mo 'ko dito?" napangiti ako ng bahagya sa tanong niya.

"Hinde—Hindi kita iiwan." May kung anong hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Natigilan siya sa sagot ko.  "Babalik ako, I'll just buy something for you too"

Habang nag lalakad papunta sa counter ay napangiti agad ako sa sinabi ko.

Ba't ko ba nasabi yun?

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now