Chapter: 9 Gummy Bears
(Stacie's Pov)
"Dito na lang po ako manong." Binigay ko na kay manong driver ang bayad ko saka bumaba ng taxi, ang sabi kasi ni Suho kailangan walang maka alam na naninirahan ako sa bahay nila kaya minabuti ko na lang na maglakad sa kanto pa uwi sa bahay. Nang makarating ako sa bahay naabutan kong nanonood si Suho ng TV.
(Suho's Pov)
"Bat ngayon ka lang?" Bungad ko sa kanya pagpasok pa lang.
"Grabe di mo manlang ba ako tatanungin kung kumain na ako."
"Bakit ko pa tatanungin kung halata namang tapos ka ng kumain."
"Hah?"
"May kanin ka pa sa gilid ng labi mo." Nagmadali naman itong pinunasan ang labi. "Teka nga, bakit ngayon ka lang diba sabi ko hanggang alas singko ka lang anong oras na oh!"
"One hour lang naman akong late eh."
"Di ka tumutupad sa usapan. Kaya di na kita papayagan na umalis sa susunod."
"Wag naman ganon Suho. Isang oras lang naman yun atsaka ito oh, pasulobong ko kaya sayo." Sabay abot sakin ng gummy bears.
"Gummy Bears?."
"Oo masarap yan, kaya dapat sa susunod payagan mo pa rin akong umalis para bibigyan kita pa kita ng marami nyan."
"Ano tingin mo sakin bata.?"
"Bakit? Bata lang ba ang pwedeng kumain nyan?"
"Tss! Eto ang pasalubong mo sakin?"
"Masama ba pasalubungan ka ng gummy bears!?"
"Ewan ko sayo." Umalis na ako sa sala at pumasok sa kwarto. Wala yung mga kasama ko ngayon dahil kumain sa labas di na ko sumama dahil hinihintay kong makauwi si Stacie para sana sabay na kaming mag dinner dito kaso tapos ng syang kumain eh, kaya matutulog na lang ako.
(Stacie's Pov)
"Argh!! Pesteng lalaking yun, sya na nga tung binigyan ng gummy bears sya pa tung choosy sarap ipakain sa mga zombie eh." At dahil antok na ako ay natulog na ko.
~Morning~
Kasalukuyang nagdidilig ako ng mga halaman sa garden namin ngayon. Nang bigla akong tawagin ni Xiumin.
"Stacie tawag ka ni Kris."
"Bakit daw?"
"Aba ewan." Sabay alis nito. Wala talagang mga manners itong mga tao dito eh. Pumasok na ako sa loob at hinanap si Kris.
"Kris tawag mo daw ako?"
"Oo, labhan mo tung mga damit ko oh." Sabay abot sakin ng isang basket na puno ng labahan.
"Pati na rin tung bedsheets ko." Lay.
"Yung bag ko din Stacie, sandali kukunin ko muna." Chanyeol.
"Jacket ko din." Luhan.
"Pati mga sapatos ko din Stacie labhan mo rin." Xiumin.
"Yung damit ko labhan mo rin." Malamig na utos ni Suho.
"Isali mo na rin ang damit ko." Baekhyun.
"Sakin din." Chen.
"Pwede sakin din thanks." Sehun.
YOU ARE READING
Exo's Housemaid
Teen FictionIsang babae na pinarusahan ng kanyang Ama, dahil sa pagiging matigas at iresponsable nito sa sarili. Kaya naman minabuti nito na ipadala ang anak sa Korea para mabago ang ugali nito.. Ipinasok ito ng tita nya sa pagiging personal maid ng sikat na bo...