Chapter 5 - Nice To Meet You Again

920 21 3
                                    

Kinabukasan...pinuntahan ni Mara ang lola niya sa office nito.

"O, iha..ba't naparito ka?" sabay beso nito kay Mara. Nahalata ng Mamita niya na may problema siya. Her grandmother knows her well. "What's wrong? Is there something bothering you?"

"Wala po ito. May request lang po sana ako."

"Sure, anything for my princess"

"Mamita? Pwede po bang palitan ko yung name ko? Itago po natin yung real name ko. Ayoko pong makilala sa bagong school ko bilang "Apo ni Madam Maria Aspirella Vibar-Schnittka". Ayokong dahil dun kaya magkakaroon ako ng special treatment. Para din naman makaiwas ako tungkol sa nangyari. Ayoko kasing pati mga kaklase ko baka kamuhian ako dahil sa nangyari." medyo naluluha na naman siya pero pinipigilan niya lang.

"Mara, hindi mo kasalanan ang nangyari. Namatay ang kuya mo dahil sa isang aksidente. Iha, always remember that. It’s not your fault, kaya hindi mo na kailangan pang palitan ang name mo. Sa tingin mo ba, kung nandito ang kuya mo magugustuhan niya na makita kang nagkakaganyan?"


"Pero mamita, alam nyo naman pong ayaw na ayaw ko yung maging topic ng buong school. Mabilis kumalat ang balita lalong-lalo na kung tungkol kay kuya. Please mamita..ito lang naman po ang hiling ko eh. Mas mapapanatag ang kalooban ko." Pinipilit na niya na payagan siya ng mamita niya, sinamahan niya pa ng pagmamakaawa effect niyang parang iiyak dahil hindi mabigay ang gusto niya.

 "Mara, Iha, nakatago na ang real name mo, hindi mo na kailangan pang palitan ito. Gagamitin mo lang ang fake name mo kapag nasa school ka or with other people but still you're Mara, my granddaughter. Isa kang Schnittka, at kailanman ay hindi yun pwedeng mawala sayo. And if ever na may makaalam o magtanong tungkol dito let's just say it's for your protection dahil sa mga death threats."

"death threats??Bakit death threats?" O.o nagtaka naman si Mara ng sabihin yun ng Mamita niya. Galing din naman pala niya sa timing..kung saan naisipan niyang magchange na talaga ng name dun naman lumabas yung mga death threats na yun. Galing aa..parang meant to be lang?!

"Wala iyon iha. Alam mo na, marami akong kakompetensya sa lipunang ito. But do not bother anyway. Hindi iyon magiging pasanin sa atin." Pilit namang ngumiti ng Lola niya kahit alam na alam ni Mara na natatakot rin ang Lola niya tungkol dito. "This is the real reason kung bakit talaga nakahide yung real name mo."

Tumango-tango na lang si Mara sa lahat ng sinasabi ng Lola niya. Speechless na siya. Hindi niya akalaing may death threat na palang natatanggap ang Lola niya and worst, damay ang buong pamilya niya.

[flashback]

After her grandmother's meeting pumunta na sila sa isang kakilala ng Lola niya para sa bagong pangalang gagamitin niya simula bukas.

"Julia...I want that name" sabi ng Lola niya kay Mr. Francisco - ang nag-aayos para sa bagong name niya.

My Life In High School (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon