Sick

4.2K 55 1
                                    


"Ma? Pasensya na po kung nagising ko ho kayo. Nasaan ho kayo?" tanong ni Daniel sa kanyang Mama Min, habang hindi magkanda-ugaga sa mga nangyayari sa paligid niya. Ala-sinko palang ng umaga pero heto siya tinatawagan ang kanyang biyenan upang humingi ng tulong. 

"Nasa bahay ako. Tsaka ok lang, gising na rin naman ako dahil nakisiksik si Lhexine dito sa amin kaninang 4:30. Eh hindi na ako makatulog ulit." sagot ng kanyang Mama Min.

"Ma, pwede ho ba kayong pumunta dito sa amin? Pasensya na po at kayo ang naabala ko. May Taping ho kasi si Mama." tanong ni Daniel. Sakto namang biglang umiyak si Sabrina kaya't dali-dali din siyang pumunta rito upang aluhin. 

"O sige. Hintayin mo ko at mamaya ko na tatanungin kung bakit." sabi ni Min. Pagkababa ng telepono ay agad inasikaso ni Daniel ang kanyang anak. Pinagtimpla niya ito ng gatas at hinele upang makatulog muli. Ilang sandali ay tumakbo nanaman si Kathryn sa kanilang banyo at sumuka. Ibinaba naman ni Daniel ang anak sa crib nito matapos ihele upang makatulog. 

"Bal?" sabi ni Daniel nang marating si Kathryn na halos yakapin na ang bowl sa kakasuka. Naisuka na ata niya lahat ng kinain kanina. Inipon ni Daniel ang mga buhok ni Kathryn at kinuha ang tali na nasa kamay ni Kathryn at siya na ang nagtali ng buhok nito. Matapos 'yun ay hinimas niya ang likod ni Kathryn. Pagkatingin niya sa mukha nito ay namumutla na ang asawa.

"Kath? Hintayin lang natin si Mama Min tas dalhin na kita sa hospital ah? Nung Wednesday ka pa may sakit, Friday na oh!" Sabi ni Daniel, habang pinupunasan ang bibig ni Kathryn ng tissue. 

"You called Mama?" Sabi ni Kathryn at nanlaki ang mata kay Daniel. "Why? Mag-aalala 'yun! Hindi nanaman 'yun makakatulog." she added.

"Bali, she has the right to know. Tsaka tignan mo oh! Namumutla ka na. We should go to the hospital." sabi ni Daniel habang inaalalayan ang asawa makabalik sa kanilang higaan. 

"Pero may pasok pa ang mga bata." pagdadahilan ni Kathyrn. 

"Kaya nga tinawagan ko si Mama diba? Para matulungan niya tayo. Kaya hihintayin lang natin si Mama tas pupunta na tayo sa hospital." sabi ni Daniel habang nilalagyan ng bimpo na nilublob sa tubig na may alcohol ang noo ni Kathryn. 

"Pero--" Kathryn was about to say something when Daniel cut it. 

"Hep! Wala nang pero. Please Kath." sabi ni Daniel while giving Kathryn, to what it seemed like a puppy eyes. Kathryn just closed her eyes and didn't say anything. Tinitigan siya ni Daniel nang ilang saglit at saka ito tumabi sa kanya na para bang sinusubukang bumalik sa tulog. Ilang saglit pa ay tumatawag na ang kanilang Mama Min sa cellphone ni Daniel. 

"Ma? Wait lang po baba na po ako." sabi nito at saka dali-daling bumaba upang pagbuksan ang biyenan. 

"Ma!" sabi nito at saka bumeso nang makapasok na ang biyenan kasama si Lhexine. 

"Pasensya na at natagalan. Ayaw magpaiwan nito eh." sabi ni Min habang akay akay ang inaantok pa na si Lhexine. Kinuha naman ito ni Daniel at sumama naman ang bata, saka humiga sa balikat niya.

"Ok lang po. Pasensya na ho pala at maaga ho akong nambulabog. Si Kathryn po kasi eh, nung Wednesday pa nilalagnat at nagsusuka. Sabi ko ho eh dadalhin ko na sa ospital eh ayaw. Inaalala kasi ang mga bata dahil may pasok pa. Eh dadalhin ko na ho sana ngayon dahil namumutla na. Pwede ko ho bang iwan sainyo 'yung mga bata Nandiyan naman po si Ate Che. Kaso wala ho si Manang dahil umuwi muna sa kanila, eh hindi naman ho kakayanin ni Ate Che yung mga bata kaya ko ho kayo tinawagan." mahabang paliwanag ni Daniel kay Min. Mahahalata mo rin sa mukha nito ang labis na hiya dahil sa pang-iistorbong ginawa nito sa biyenan. 

Part and ParcelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon