"RAIN DROPS" (kim himchan)

90 5 2
                                    

RAIN DROPS

(made by xxsbeautifulmusicsxx)

DEDICATED FOR strong_nic

Bakit ba ata lagi akong sawi sa pag-ibig? Hindi man ako pinagpala na magka-lablayp? Tapos lagi pang sumasabay sakin yung ulan, ang ganda diba?! Siguro panget ako kaya walang nagkakagusto sakin! Nang nagpaulan ng kagandahan ang Diyos nakapayong ako kahit mainit, minsan tulog ako tulo laway pako kasi masarap yung tulog ko pag-gising ko nagpapaulan nalang ang Diyos ng talento dahil marunong akong kumanta at sumayaw, nagpapaulan din nun ang Diyos ng katalinuhan at hindi ako nakapayong kahit umuulan pero bakit ng nag-paulan ang Diyos ng kagandahan hindi man ako pinagpala?! Dahil ayoko kasing umitim! Pero nabasa naman ako ... gets niyo ba? Hindi no, kahit ako eh. Huhubels. Pero sinasabi nila maganda ako hindi lang marunong mag-ayos. Watever. =.=

Ngayon naman, nandito kami sa school nakapili kami sa Clinic kasi ngayon yung Vaccination namin, kahapon pako excited mag pa-inject matapang kasi ako eh. Kaya gusto ko ng pa vaccine kasi hindi pa dumadating yung menstration ko kaya gusto ko ng sulitin, baka kasi hindi pwedeng pa-inject pag may period eh. Nakapila kami ngayon ng mga classmates ko at dala-dalawa ang papasok dahil i-interviewhin muna daw kami sus. Pero bigla akong nakaramdam ng kaba ng tinatawag yung pangalan namin dahil pinibigay yung mga form nung nag yes or no kami sa vaccination.

"Gaile, oh una ka na Excited ka naman eh." sabi ni Jackie.

"Heh! Joke lang yun, una nakayo wahaha!" nag-peace naman ako sakanila, natawa nalang sila. Naupo kami ni Ella dun sa may bandang likod dahil nagtatawag na sila, by pair kasi yung pagpasok. Nagkwentuhan kami dun nang lumabas yung nurse.

"Girls, alalahanin niyo yung first day ng period niyo no? Kungwari nagstart kayo ng October 8 natapos october 14, sabihin niyo nun yung first day okay?" tumango naman kami ni Ella, yung iba nag-oo biglang may dumating na ibang section at yun ang 4- B pangalawa sa section namin, 4th year high school na kasi kami. At sa lahat ng section yan ang ayaw ko. Kasi nandyan yung crush kong si Him Chan, ang weird ng name no? Korean siya at sikat siya dito sa school dahil gwapo siya, matalino, mabait, gentleman, magaling kumanta, sumayaw, magaling mag-guitara, pero snob yan walang pinapansin na babae. Kahit anong pag-make up at pag landi sakanya wa epek, lalo na sakin sa isang katulad ko ma-fa-fall siya? Tsk, walang pag-asa, palihim nalang akong nakatingin sakanya, ng bigla siyang mapatingin sa lugar ko at nagkatinginan kami bigla siyang ngumiti at umiwas agad. OMG OMG OMG!! Totoo ba yun?!

"NAKITA MO YUN ELLANG PANGET?!" napatingin naman sakin si ella at napakunot yung noo. "Oh?" sabi ko skanya.

"Ingay mo naman mameh! Maka-panget ka naman ..." hindi kuna pinatapos yung sinabi niya at ako nag-tuglong.

"Kasi ako panget ako."

"Hala! Ano kaba, hindi ka panget. Ang ganda ganda mo kaya hindi ka lang marunong mag-ayos." sabi naman niya sakin sus ibig sabihin ng hindi marunong mag-ayos 'panget' =.=

"Thatap!"

"Ayan ka nanaman sa pagbubulul-bulunan mo!" sabi niya sakin sabay hampas. Aba't!

"Wativir." pero tumingin ako sakanya. "Pero nakita mo nga yun? Ngumiti sakin si Him Chan OMG!" sabi ko sakanya at nagpay-pay gamit ang kamay ko na para bang hihimatayin ako.

"Oh hinga ka, baka mamatay kana." sabi niya sabay tawa ng nakakaloko. Tinignan ko naman siya ng masama.

"Thorry!" natawa naman ako sakanya, kasi nag-bulol siya bigla naman bumukas yung pinto sa clinic kaya kinabahan ako. Nagtatawag na sila, omg. Kaba-kaba ayan na. Tinawag niya ako.

"Gaile Pineda." tumayo ako at hintayin tawagin ang pangalan ni Ellang panget pero hindi ang pangalan ni ella ang narinig ko.

"Kim Him Chan." bigla lumakas ang tibok ng puso ko. Bigla naman akong kinurot ni ella sa tagiliran, napatingin naman ako sakanya ng may kaba.

"RAIN DROPS" (kim himchan)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon