Bes, kaya pa?

680 12 6
                                    

Naniniwala ako na ang pag-ibig at pag-lalaro ng maranghay ay parehong uri ng sugal
Dahil hindi mo alam kung sino o ano ang mabubunot mo.
Naniniwala ako na sa pag-pili ng mga kaibigan ay kailangan mo rin sumugal, dahil hindi mo alam ko kung anong pwede nilang gawin sayo.
Marami na sa atin ang niloko, ginamit, sinaktan, iniwan, at pinaglaruan pero wag kang mag-alala meron padin namang mga kaibigan na handa tayong gisingin sa katotohanan.
Ginagawa ko lang naman ang lahat ng ito dahil alam kong pagod kana, pagod kanang mag kuwento patungkol sa mga effort mo, sa taong hindi ka naman gusto.
Pagod kana, pagod kanang umiyak dahil iniwan kana ng taong mahal mo.
Pagod kana, pagod kanang ipaintindi sa sarili mo na hindi ka naman talaga nya mahal.
Alam mo ba ang pakiramdam na masilayan ang  taong mahal mo na nasasaktan? pero alam ko na alam mo ang pakiramdam na masaktan ng taong mahal mo.
Ilang beses kana ba nasaktan? Ilang beses mo na pinaglaban? Ilang beses mo na hinabol? Hanggang kailan ka magpapaka-tanga? Hanggang kailan ka aasa sa taong sinukuan ka?
Ngayon anong gagawin ko? tatanggapin ko ang dahilan na kung bakit mo pinaglaban dahil mahal mo pa? Osige nga kung sapat na dahilan at basehan ang pagmamahal para ipag tanggol ang isang taong mahal mo, e bakit ka iniwan?
Oras na para gumising ka na sa realidad ng buhay ay hindi sapat ang pagmamahal para ipag tanggol ang isang taong mahal mo.
Kung hindi nya nakikita ang halaga mo pwes, ako nakikita ko.
Hindi ako tanga para sabihin ko sayo na hindi ko kayang intindihin yang pinagdadaanan mo, na dapat kapag nag-mamahal ka ginagamitan mo ng isip hindi lang puro puso, na hanggang sa ngayon hindi mag mukhang kaawa-awa sa paningin ng madla.
Ano hanggang ngayon kumakapit kapa? Kumakapit ka saan? Kumakapit ka sa wala.
Pano mo nasisigurong kumapit sa taong alam mong binitawan kana?
Hindi ako pinanganak kahapon, kaya bigyan mo ako ng clarong sagot, mahal mo paba? ni hindi ka nga mahal, minahal pa kaya? Ngayon tinatanong mo kung sinong mas mahal nya, kung ikaw o yung bago nya? natural yung bago nya.
Kasi hindi ka ipagpapalit kung kontento na sya sayo.
Kaya namang umikot ng buong mundo sa tao pero wag kang umasa na meron akong dalang bagong sagot kung bakit hindi sayo umikot ang mundo nya. Oo tama ka sa prinsipyo mo na kung mahal mo ang isang tao, ipaglaban mo. Ayon nakuha mo ang sagot, na kapag mahal ka ng isang tao dapat ipinaglalaban ka, kaya hindi ka pinaglaban, sa isang salita HINDI KA MAHAL
ANO BES KAYA PA?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 25, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ano Bes kaya pa?Where stories live. Discover now