Sofie's POV
Dumaan ang mga buwan hindi na ulit tumawag si Alex. Iniisip ko na lang na sobrang busy un at walang oras na para tawagan ako. Araw araw hinaharap ko mag isa ang consequence na ginawa namin ni Alex. Nagsimula na ang morning sickness at cravings ko at sa umaga naman tamad na tamad talaga bumangon dahil sa pagiging antukin ko unti unti na rin nagkakaumbok na ang aking tiyan.Hindi ko pa din nakakausap si Alex tungkol dito dahil sa pagkabusy nito sa trabaho at walang oras na kamustahin ako. Naagaw ng pansin ko ang cellphone sa ibabaw ng study table ko ng bigla itong umilaw simula kase ng nalaman kong buntis ako nilagay ko sa silent mode para walang istorbo lalo ba pag natutulog ako. Lumapit ako dito para tignan.
1 message receive
from : Love_Alex +63907xxxxxxx
Love musta ka na ? Pasensya ka na at hindi ako nakakatawag sobrang busy lang talaga dito sa hacienda walang oras para makatawag, pero kahit ganun pa man walang oras na hindi kita iniisip wala man ako sa tabi mo tandaan mo mahal na mahal kita ikaw lang wala ng iba pa. Tawag ako pag may libreng oras ingatan mo sana palagi ang sarili mo. I love you so much love i miss you. 😘
Naramdaman ko na lang na nag uunahan na ang mga luha ko sa pagbagsak He's my weakness and also my strength pinahid ko ang luha at nagreply sa text.
to : Love_Alex +63907xxxxxxx
Miss na miss na din kita may magandang balita ako sa na sasabihin pag nagkausap tayo. Ingat ka din palagi I love you too love.
Nakakalungkot na wala sya sa tabi namin ng maging anak namin pero kailangan ko maging matatag para sa aming dalawa. Lumipas ang oras kailangan ko na mag asikaso para pumasok sa trabaho simula ng magsimula ang morning sickness ko ay nagpalit ako sa afternoon shift naintindihan naman ako ng mga amo.
1pm ang afternoon shift pero 11:40am pa lang umaalis na ko sa apartment para may chance pa ko magpahinga bago ang shift ko. Mabuti naman at hindi ko na nakikita na nakikipagkwentuhan ang nanay ni Alex ayoko naman puntahan at alam kong pagtatabuyan lang ako nun. Dere deretso akong lunabas ng gate at sumakay sa tricycle.
Alex's POV
Pagkauwi namin ni Ma'am Andrea galing sa hotel ay nagpaalam na ako na pupunta na sa barracks para magpahinga tanging tango lang ang naging sagot nya sa akin. Buong biyahe namin pauwi ay walang imikan tahimik lang akong nagmamabeho. Pag pasok ko sa kwarto ko sa barracks ay agad akong nahiga at natulog pag gising ko ay agad kong naisip si Sofie nagtaksil ako sa kanya tinext ko sya pero ang gusto ko talaga ay tawagan sya at nang marinig ang boses nya pero nagiguilty ako sa nagawa ko nagpatalo ako sa tukso. Kahit wala sya sa harapan ko ay nakakaramdam ako ng hiya.Siya ang babaeng pinakamamahal ko at ayokong mawala sya sa akin.
BINABASA MO ANG
Relationship Betrayal
General FictionNaranasan mo na bang pumasok sa isang relasyon kung saan ikaw ang talo? Ikaw ang palaging umuunawa? At sa paningin ng iba ikaw ang masama, ikaw ang mali at ikaw ang pang gulo. Hanggang kailan mo kayang lumaban at ipaglaban ang para sa'yo?