"Sorry...."
Yun na yun? Pagkatapos ng ginawa niya tapos sorry lang.Buset.
Hindi ko siya pinansin,patuloy lang ako sa paglalakad.Paakyat na ako sa unang hagdan ng bigla niya ako hawakan sa kamay ko.
'Naramdaman ko yun.Naramdaman niya din kaya?..'
Tumingin ako sa kanya.Nakikita ko sa mata niya na nagsisi na siya.
'Magpapatanga ka ba ulit? Hindi..'
Hinablot ko ang kamay ko at dali daling tumakbo pataas.
'Posible kayang...'
Nagising ako.Naramdaman ko ang kaba sa aking dibdib.Ang bilis ng tibok ng puso ko.Pinagmasdan ko ang paligid.Nasa kwarto pala ako.Panaginip lang pala.
Bumukas ang pinto.Nakita ko ang kanyang mga ngiti.Napangiti ako.Makita ko lang siya sumasaya na ako.Lumapit siya.Pero nagulat ako ng biglang nagbago ang paligid.Naging kulay itim.Dumilim pero nakikita ko siya.Nasa harap ko siya.Nakatayo siya.
"Let's break up" sabi niya.Napatulala lang ako sa kanya.Hinihintay sa susunod ng sasabihin niya kung nagbibiro lang siya.Pero bigla na lang hinigop ng dilim ang lahat.Parang bula.
Nagising ako pero ayaw ko pa dumilat.
'Dahil ba sa natatakot ako? Oo? Hindi?'
Nakahiga ako sa kama ko.Ramdam ko ang paligid.Ang pag ihip ng hangin sa bintana.Yung mga tunog sa paligid.Tibok ng puso ko...
Napatawa na lang ako.Dahil ano bang ginagawa ko.Isa akong single.Nilamun ako ng panagip ko.Anong klaseng panagip yun? Nagpapatawa ba siya?
Nagising ako sa katotohan.Tumayo na ako at lumabas ng kwarto.Baliw na panaginip.Dadamay pa ako.tsk