Sa buhay natin maraming bagay na dumadating na hindi natin inaasahan. Mayroong dadating ngunit aalis. Mayroong dadating at hanggang sa dulo ay nandyan parin. Sa kwentong ito, may isang tao na dadating ng hindi inaasahan. Mga bagay na magsusulputan ng hindi inaasahan, magsisilabasan ang mga ugaling hindi inaakala. Ngunit sa larong ang pangalan ay pag ibig, hanggang kelan mo kakayanin ang sakit na dulot ng mga bagay na hindi inaasahan. Hanggang kelan mo sila tatanggapin? Hanggang kelan mo titiisin ang lahat? Hanggang kelan mo sasabihin na "Mahal kita, hindi ko makita ang sarili ko na wala ka."
-----------
Hi guys. Sana ay suportahan nyo ang first ever story ko! :)