Josh Angelo's
"Sure ka bang nanay nya yan? Baka naman pinsan lang?" tanong ni Ivan.
Kasalukuyan kaming nasa kabilang class room dahil wala pa masyadong tao sa amin. Well actually dahil gusto rin nila akong tanungin tungkol sa nangyari kagabi.
"Ano ba yan? Natatalo na kami na nilalaro namin." aniya ni Harvey kaibigan namin sa kabilang section.
"Mother daw ni Rebecca." pinakita ni Ivan yung phone nya na nasa site ng clothing line nina Lei.
"Gago! baka chix mo ayaw mo lang sabihin kasi kukulitin sya ni Sophie ba yun o Sophia? Ewan basta yun." pagsingit ni Kenzhin sa usapan.
"Claribelle SUAREZ." idiniin ko ang apelido ng mother ni Lei. Hayop na lalaking to. Loyal ako l*l.
"Ah pasensya." bumalik ang tingin nya sa nilalaro nila ni Harvey.
"Hoyyy oyyy yoyyyy! May teacher na sa kabila."
"Ang aga ni panot tara na. " malumay na sabi ni Ivan.
***
"Letcheng Cookery to. Josh kaya ng kagwapuhan mo yan." patuloy akong nag lalabas ng galit sa pag hihiwa ng sibuyas.
"Ako dapat ang kapartner gago ka talaga Fortaleza. Gago." ginagawa namin ang group activity namin sa TLE well I don't feel like this is a GROUP activity pano ba naman tong partner ko hindi tao ang ugali.
"Ilagay mo na to dun Ivan ayusin mo baka matapon ibabaon ko tong kutsilyo sa ulo mo."
Naagaw ng pansin ko ang mga tawa ni Lei na nanggagaling sa table na malapit saamin. Isang grupo ang nasa pagitan namin. Pakiramdam ko tuloy pinag lalayo kami.
"Oh ayusin mo baka mahiwa mo. HAHA." nakangiting sabi ni Fortaleza kay Lei.
Aba gagong to akin yan.
Isaksak ko sa ulo ko tong kutsilyo.Pinilit kong hindi sila pansinin at tapusin na lamang ang niluluto namin. Pero hindi ko makaya dahil hindi ko alam. May mga oras na bigla akong nakakaramdam ng inis sa lalaking yon.
GAGO SYA AKIN ANG AKIN.
Pag katapos namin sa niluluto namin ay agad namin itong pinatikim sa Instructor namin para makapasok agad kami sa classroom.
Bakit ganoon ang galit ko? Tukneneng bakit!?
"Sabay tayo mamaya haa!! Hihi." nang marinig ko si Lei agad nawala ang lahat ng nararamdaman ako. Ang galit kay Fortaleza.
"Oo sabay tayo."
Tinignan ko silang dalawa na masyang nag uusap.
"Kailangan ko munang mag hugas ng kamay amoy bawang eh." tumayo si Fortaleza sa inuupuam nya at lumabas ng room namin.
BINABASA MO ANG
Falling in Love to a Childish [COMPLETED]
Short Story#ShortStory Falling in Love to a Childish is a typical highschool love story wherein Josh Angelo falls in love with the daughter of his mother's friend, Rebecca Lei. All Rights Reserved Started: Apr 2015 Finished: Jan 2016 Written by: kyungyyyy