Ako si Layla, 17 years old. Matangkad, saktong katawan habulin ng lalaki, matalino minsan bobo. Sa PUP ako nagaaral under College of Business Administration, Marketing Management. Hindi pagbebenta sa palengke ang inaaral namin ah!
Sabi ng karamihan maraming balst kayo sa kursong ito bukod sa Collge of communication na papasok kang lalaki at lalabas kang bakla. Dito sa kurso namin nagtatago ang mga silahis. First day ng klase ayan na naglalabasan ang mga epal at top wanna be. Marami na ang bida bida. Nakakilala naman agad ako ng friends ko. Instant 6 na kami agad. All girls. Sila si Lisa,Berna, Lyka,Caryl, at Aina. Si Aina, probinsyana na bagong salta sa maynila. Si caryl na laking pasigueño, si Lyka na devoted sa pagiging kristyano a.ka. ang anghel sa grupo. Si berna na lumaki sa simpleng pamilya at si Lisa na kalapit ko lang pala ng bahay at galing sa all girls school. So ayun, daldalan na agad. Kinikilala ang bawat isa hanggang sa may nakilala kaming 2 lalaki na napasama sa aming grupo ---- si hale na ultimate fanboy at si Owel ang nagiisang beks sa grupo. Oh diba, first day palang may squad na ako! Friends is life talaga. Habang malakas ang tawanan namin tila may isang lalaking naliligaw na pumasok sa room. Siya ay matangkad medyo maputi pero mukhang jejemon dahil sa mohawk hair niya na kulay kalawang. Sa isip ko, hmmm bet ko to ah. Sya na kaya ang hinahanap kong sparks? Kaya nilapitan ko siya at nakipagkilala ako.
Ako: Hi! Ako pala si Layla, ikaw si?
Siya: Tommy nalang. Hello.
Ako: mukha ka yatang naliligaw, dito ka ba talaga? Hahah hindi naman sa pangtataboy.
Siya: oo,dito ako. Nakapaskil sa listahan.
Ako: okay,good. Gusto mo sumama samin? Pakilala kita sa new friends ko.
So walang atubili at kinayag ko siya sa mga friends ko, pagdating ko sa upuan namin may nakita akong new guy. Mestiso❤ at 100% gwapo. Maputi. Fafa talaga ang peg. Tapos nakaupo pa siya katabi ng seat ko. Si tommy sa dulo umupo kasana nila berna. Dinadaldal na nila agad. Habang itong mestiso guy nanahamik. Shy type pa yata. Artistahin ang mukha niya. So edi ayun, nagpakilala na ako. Ang awkward naman kung di ko siya kausapin pero magkatabi lang kami diba.Siya si Sef. Nahumaling ako sa kagwapuhan niya. Malakas dating niya pero napaka down to earth niya. At feeling ko magkakasundo kami.
-------
BINABASA MO ANG
Made for him...her. What?!
Любовные романыIsa akong babaeng maraming lalaki sa buhay. Maraming napupusuan at minimithing mapasakanya ang puso ko ngunit ako laging sawi. Hanggang sa aking pag tungtong sa kolehiyo nakilala ko ang taong nagpatibok ng puso ko. Pero bakit may gumugulo?! papaano...