(Compilation) Filipino Stories

417 0 0
                                    

Xelfualize

By:Jessica Concha

***1***

I hate April! Talaga naman! I totally hate April!

...and April's not a person. Yung month ang tinutukoy ko. Yung buwan nga 

sabi nila. Hindi yung moon. Oh well, bago pa ako malito sa mga iniisip 

ko, ngayon eh naiinis lang talaga ako. Parang nagsabay-sabay naman na 

kasi lahat ng problema ko.

Sana huwag na lang dumating ang April. I would totally live without it. 

At sana... after March, May na kaagad.

Hindi naman ako Anti-April Activist or something. Kung bakit ba ayaw 

kong dumating yun? Simple lang. Malalaman niyo rin kung bakit. Pero wala 

akong magagawa. Kahit anong pagno-nobena pa ang gawin ko para mawala ang 

April sa buhay ko, duamating pa rin.

Una sa lahat, kung anu-ano lang ang inaalala ko. Parang kahapon lang 

kausap ko pa yung pinsan ko at sinasabi ko sa kanya na pupunta kami sa 

mall at gagastosin namin yung naipon namin. Pero ngayon, mukhang malabo 

pang mangyari yun sa susunod na taon.

Sa school, feeling ko kagabi lang yung Prom namin kahit na 2 months ago 

na yun. Ewan ko ba, nung mga oras na iyon parang hindi ako nakakaramdan 

ng lungkot. Lagi kong sinasabi sa kanila na magiging ok din naman ang 

lahat. Kakaiba pala talaga kapag nandoon ka na sa oras na iyon... 

tatamaan ka na lang. Eh mas mukhang umiyak pa sila kaysa sa akin.

Isa pa itong kapitbahay namin na lagi akong pinapahabol sa aso nila 

dahil kaaway ako. Na-touch nga ako nung pumunta ba naman sa bahay at 

bigla na lang nag-sorry. Ayun, siguro nakonsensya. Tinanggap ko naman 

yung sorry niya. Aba, it's about time na marealize niya na ilang milya 

na rin yung pinagtatakbo ko sa araw-araw na pagtakbo ko simula sa bahay 

nila hanggang sa bahay namin para lang hindi ako makagat ng aso niya.

At isang tawag lang sa telepono. Isang tawag lang at nagbago ang lahat.

"Ok Pa... o sige." narinig kong sabi ng Mama ko.

Hindi ko rin maintindihan nung simula yung tawag na iyon, pero alam kong 

yung tatay ko yun. Hindi nga kami kinausap pero ok lang dahil long 

distance call yun at mahal naman kung hahaba pa ang usapan.

Pagkatapos nun sinabi na sa amin kung ano ba yung tawag na iyon.

At yun nga... which lead us to the whole I-hate-the-month-of-April thing.

Aalis na kami ng Pilipinas. After living in this country 14 years of my 

life, ganun-ganun na lang at aalis na kami.

Kaya nga ngayon, it's April, at nandito kami ngayon sa NAIA airport. To 

make things worse, yung Lola ko eh panay pa ang yakap at halik sa aming 

mag-iina at nakita ko na umiiyak na rin siya. Ayoko sanang maiyak, kaya 

(Compilation) Filipino StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon