DEDICATED TO:
insane0511 THANK YOU FOR THE COMMENTS :)
ENJOY READING XOXO :*
(Shane's POV)
2 months have passed, which means na 2nd Quarter Exam na namin at bukas na 'yon. PERO bago 'yon magf-flashback muna ako kung ano ang mga nangyari at nagbago sa loob ng 2 months na 'yon.
So, as of me and Brix..... sa first two weeks after naming maging okay as usual balik na naman kami sa dati. Asaran at pikunan, pero MAS naging close kami. Paano ko nasabi?
Eh paano, everytime na may recitation kami at di makasagot ang isa samin, tinuturuan namin ang isa't isa. At minsan kapag may seatworks, nagtutulungan din kami. 'Yun bang gawain ng normal na estudyante.
Sa t'wing male-late naman ako sa pagpasok, minsan pag-upo ko bigla na lang nyang sasabihin na,
'Wag mo kasing hintayin na maging tayo sa panaginip mo. Kaya nga panaginip eh.'
Pero ang totoo non, sinasabi nya lang 'yon pampalubag ng loob ko sa t'wing mapapagalitan ako pag nale-late akong pumasok.
Lagi lang kaming ganun hanggang sa parati na rin kaming sabay mag-lunch at kung minsan after practice ng basketball hinahatid naman nya ako pauwi gamit yung MIO na motor nya. Tapos ako naman minsan nanonood ng practice nya kapag trip ko syang i-cheer, oo nagchi-cheer ako para sa kanya. Bakit may problema kayo don? XD
Ang demanding pa nga nyan ang gusto pa ganito ang isigaw ko,
'Go bey!!'
Ano kami mag-on? Tss. Pero ginagawa ko naman yung gusto nyang cheer kapag tinuturuan nya ko sa math.
SO, yun puro kalandian este medyo okay na kami sa nakalipas na 2 months na 'yon. And finally we're friends now.
Isinama nya kasi ko nung Sunday lang sa kasal ng ate nya at ang pakilala nya sakin ay 'kaibigan daw nya.' Yung mom naman nya panay ang asar samin, paano ba naman ako lang ang pinapansin ni Brix nung party. Sabi naman ni Brix, kesyo di nya daw trip kausap yung mga kamag-anak nya kaya ayun.
Okay. Enough with my storytelling.
Nandito ako ngayon kayna Brix. Nagre-review kami para sa exam bukas. Kasama namin si Chandria eh kaso mas inuna nya pa ang pagbe-bake ng cookies kasama yung mom ni Brix. Kaya kaming dalawa lang ngayon nitong lalaki na 'to sa may salas nila.
"Shane." tawag ni Brix.
Nakaupo kami ngayon sa sahig tapos yung reviewer namin nakapatong sa glass table na ka-level lang namin.
"Oh, bakit?" tanong ko.
"Hindi ka ba attracted sa gwapo?"
*dug.dug*
Eto na naman ang puso ko.
"A-attracted." mahinang sagot ko.
Napatungo na 'ko non. Kasi naman pag ganyang nagiging seryoso si Brix na once in a blue moon lang naman ay di na 'ko mapakali.
Maya-maya pa bigla na lang nyang hinawakan yung chin ko at saka itinaas yung mukha ko. Agad naman akong nag-iwas ng tingin nang magtama ang mga mata namin.
"Eh bakit..... di ka pa rin nagkakagusto sakin?" diretsong tanong ni Brix na sobrang nagpakaba sa'kin.
Damn. Not now.
//>_<//
"Hoy Shane!"biglang sigaw ni Brix.
"A-ano ba 'yon?" napapapitlag na sagot ko.
BINABASA MO ANG
I Don't Talk To Strangers [UNDER REVISION]
Fiksi RemajaThey were once just a stranger until they met each other. She fell for him and so he is. Just like in any ordinary love story, they fell in love and they fall apart. Will they be back to strangers again? Or will they meet again and make things righ...